Vivian Velez, liligawan si Angel Locsin!

SUPER SUCCESSFUL ANG premiere night ng Tarima ni Fanny Serrano sa Cultural Center of the Phillipines last Saturday. Palibhasa mainit itong pinag-uusapan kaya curious ang mga taong mapanood ito. Maaga pa lang, marami na ang nakapila para saksihan ang big event ng taon. Lahat ay naiintriga kung ano ang pagkakaiba nito sa mga gay films na kanila nang napanood. May karapatan nga bang maging bida si TF? As an actor, may ibubuga kaya ang beauty icon pagdating sa drama? Mga katanungang gustong magkaroon agad ng kasagutan.

Siyempre, watch uli kami para makita ang reaction ng manonood sa mga madramang eksena nina Fanny, Gloria Romero, Rustica Carpio at Rocky Salumbides. Pinalakpakan ang passionate love scene nina TF at Rocky, most applauded ang confrontation scene nina Fanny at Gloria. Naiyak, na carried-away ang viewing public sa madramang eksena ng dalawa.  Madamdamin din ang eksena nina TF at Rustica kahit walang dialogue, ramdam mo ang bigat sa dibdib!

Agaw-eksena naman si Chokoleit sa mga kuwelang eksena niya sa kulungan. Pati na rin si Oskar Peralta, walang takot na ipinakita ang totoo niyang pagkatao. “Ito na yata ang greatest performance ever ni Fanny,” say ng mga nakapanood. Hindi rin nagpahuli si Rocky, kahit baguhan, lumutang din ang galing niya sa pag-arte.

After watching the film, inamin nina Lorna Tolentino, Vivian Velez, Divina Valencia, Maria Isabel Lopez, Brenda del Rio, Julie Ann Fortich, Direk Gil Portes, Maning Borlaza at Joel Lamangan na naiyak sila sa pelikula. Ayon sa kanila, may katuwiran pala si Fanny na ipagmalaki ang pelikula dahil sa performance na ibinigay niya rito. Ngayon pa lang sinisiguro nilang hahakot ito ng awards, hindi lang dito sa atin, kundi maging sa ibang bansa. “Sure winner na raw si TF as Best Actor next year. Maging si Gloria, walang dudang mananalo bilang Best Supporting Actress, huwag lang magkaroon ng scam,” pabirong sabi ng ilang kafatid sa panulat.

Nagbigay rin ng moral support sina Dawn Zulueta at Direk Joel Lamangan kay Fanny kahit may event sila sa Robinson’s Ortigas nang gabing ‘yun. Masayang ibinalita ng beauty icon na may teleserye siyang gagawin sa GMA-7 with Iza Calzado at Elizabeth Oropesa na ididirek ni Joel. “May concert tour kami ni Sharon (Cuneta) sa Europe this September. Sa pagbabalik ko saka pa lang ako puwedeng mag-taping sa kanila. Very challenging ‘yung role kaya ko tinanggap ‘yung offer ni Direk Joel,” tsika ni TF.

Bukod sa telerserye, inihahanda na rin ang follow-up indie film ni Fanny na ididirek ni Ronald C. Carballo. Sabi nga, ibinigay na raw lahat ng fashion expert ang nalalaman niya sa acting. Mahigitan kaya ni TF ang ipinakitang acting piece sa Tarima? “Dapat siguro mahigitan ko ‘yung ginawa ko sa Tarima. Mahirap gawin ‘yun kasi mataas na ang expectation sa ‘yo ng manonood. Gusto nilang makita, may bago akong gagawin sa susunod kong indie film. As an actor, kailangan sigurong nagbabagu-bago ka ng hitsura sa bawat project na ginagawa mo. Iba’t ibang character kasi ang ginagampanan so dapat swak ‘yung role sa personality ng character,” pahayag ni Fanny.

NANG MAGKITA KAMI ni Vivian Velez sa premiere night, super na-excite ako sa muli naming pagkikita. Agad kaming nagyakapan, nagtsikahan at kung anik-anik ang aming napag-usapan. Stunning as ever pa rin si Ms. Body Beautiful, walang kupas! “At last, graduate na ako as film director kay Marilou Diaz-Abaya. Two years kong binuno para lang maka-graduate. Ngayon lang ako lumabas para makipag-socialize and I’m happy nakita ko uli ang mga dating kaibigan. Let’s have dinner together, parang reunion natin, ‘di ba?” Natutuwang sambit ni double V.

Ikinuwento ni Vivian na nasa cast siya ngayon ng Imortal nina Angel Locsin at John Lloyd Cruz sa direksiyon ni Jerry Lopez Sineneng. Ilang beses na palang inalok ng soap si VV ng Kapamilya network . “That time kasi, concentrate ako sa pag-aaral ng film directing kaya hindi muna ako tumatanggap ng project. Ngayong graduate na ako, gusto kong mag-direk ng indie film. Kailangan ko ng magandang material para makapag-direk na ako,” say niya.

Sino sa mga artista nating babae ang napipisil ni Vivian na maging bida sa first directorial niya? “Gusto ko si Angel, napakabait na bata, masarap katrabaho, sexy at mahusay na aktres. Liligawan ko siya para pagbigyan niya akong ma-idirek ko siya,” tsika pa ni Ms. Body Beautiful.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

4 thoughts on “Vivian Velez, liligawan si Angel Locsin!

  1. galing mong magmura ening parang pakain mo si angel…kung ayaw mo sa kanya wala tayong mgawa.kanyakanya naman tau ng gusto di ba..pero murahin mo hindi mgnda.mrming ppalag.murahin mo nalang sarili mo.ok?

  2. putang inang angel l0csin yn npkalandi at pgkaybng ybng!mukha namang mangkukulam!pwe!laspag kna angel l0csin malibog!kng cnu cno kmaknt*t sayo!

    • Hoy Tarantado ka ikaw ang Gaga at Super Duper Landi tanga..Hitsura mo lang Etchusera kang Frog ka!! Kupal ka isa kang kapuki Network kya ganyan ka…Laki ng inggit mo kay Angel palibahsa mas Mukha kang mangkukulam kesa kay Angel!! Abnormal ka!! Kundi ka pa Pumila sa akin pra MagPaKaPLog…Tumanggi lang ako syo kya galit na galit ka kay Angel ngayon!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.