VIVA’S CATALOGUE BEAUTIES: Ella Cruz at Donnalyn Bartolome, patalbugan sa ‘Cry No Fear’

Donnalyn Bartolome, Direk Richard Somes and Ella Cruz

MGA CATALOGUE BEAUTIES pala sina Ella Cruz at Donnalyn Bartolome bago nakaharap ng personal ni Direk Richard Somes ang mga artista niya sa bagong suspense-thriller na “Cry No Fear”.

Nang ma-approve ang project ni Direk Richard for Viva Films, nag-casting na siya ng mga artista na makakasama sa pelikula niya.

Sa pabo-browse ng Viva Artists Agency Catalogue ay nakita ni Direk Richard ang possible mga magbibida sa project niya.

Si Direk Richard ay kilala sa mga horror, suspense-thriller movies niya like ang isa sa mga episodes ng Shake, Rattle & Roll kung saan sa ganitong genre siya angat.

Kapag Richard Somes movie ay asahan mo na makahabol hininga ang mga eksena niya sa kanyang obra.

Personally, gusto ko ang mga horror movies na gawa niya.

At sabi nga niya, tama lang na sina Ella at Donnalyn ang maging bida sa pelikula niya.

“After makita ko sila sa catalogue, nag-meeting kami. Bagay sila sa movie. Mga petite at fragile na tamang-tama sa mga characters nina Wendy at Kaycee. From then on nag-workshop na sila,” kuwento ni Direk during the media launch ng pelikula.

Sina Ella (The Millennial Dance Princess) at Donnalyn (Social Media Sweetheart) ay dati na nagkasama sa isa din horror-suspense film na Darkroom noong nakaraang taon.

CRY NO FEAR movie poster

Aminado si Direk na napaka-physical ng mga eksena ng dalawa.”Ang Dami ko mga bruises,” sabi ni Ella.

Imagine, na-akyat bahay (na siyang premise ng Cry No Fear) at wala kang kalaban-laban at imposibleng hindi ka mangagarag at puno ng tension at stress kung totoong mangyari sa iyo na nilooban ang bahay mo ng mga intruders like Lander Vera Perez. Christopher Roxas at Patricia Javier).

Sa katunayan, maging si Donnalyn, muntik-untikan na malunod sa swimming pool na sinabayan ng malakas na buhos ng ulan (off-cam) kung hindi pa nasagip ni Ella.

“Happy ako, nag-survive nila ang shooting ng pelikula.

Sa pelikulang Cry No Fear na showing on June 20 ay kasama din si Lito Pimentel as the father of Ella and Donnalyn

 

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.