Visayas Region, ‘di na mabibitin sa kuryente

CEBU CITY – HINDI na umano mabibitin sa supply ng kuryente ang Visayas Region.

Ginawa ni Pangulong Noynoy Aquino ang pahayag kasabay ng inagurasyon sa 200-megawatt power plant ng Korea Electric Po-wer Corporation (KEPCO) sa Naga City, Cebu.

Ang KEPCO ay inaasahang tutugon sa kakulangan sa supply ng kuryente sa lalawigan ng Cebu, Panay Islands at ibang bahagi ng Visayas region, ayon sa Pangulo. Tutustusan umano ng KEPCO ang Visayas grid na kamakailan lang ay naharap sa matinding power crisis.

Mahalaga ito para hindi maantala ang takbo ng mga negosyo at ang pagsasagawa sa mga sikat na festivities na kinakailangang gamitan ng kuryente. Ipinagmamalaki naman ng korporasyon ang pagiging environment-friendly nito dahil sa mga makabagong teknolohiya para makontrol ang polusyon.

May itinayo pang water treatment para gumamit ng tubig-dagat imbes na tubig-tabang sa kanilang operasyon.  (Pinoy Parazzi Reportorial Team)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.