Visa Application ng OFW sa Taiwan, Lalong Hinigpitan

MAS LALONG hinigpitan ng Taiwan ang visa application para sa mga Pinoy na nagnanais magtrabaho sa nasabing bansa.

Sinabi ng Taipei Economic and Cultural Office (TECO) na kailangan na umanong maghintay ng dalawang linggo ang mga Pilipino bago mabigyan ng visa.

Pansamantala ring sinuspinde ng TECO ang pribelihiyo sa mga OFW na may U.S., Japanese at Schengen visas na mag-apply online ng Taiwanese visa.

Nag-ugat ang naturang paghihigpit ng Taiwan sa mga OFWs kasunod ng pagpaslang sa isang Taiwanese fisherman ng Philippine Coast Guard (PCG).

Una nang sinabi ni Manila Economic and Cultural Office (MECO) chairman Amadeo Perez, na apektado ang 16,000 Filipino workers sa freeze hiring na ipinataw ng Taiwan.

Samantala, itinanggi naman ni TECO press division director Chang Pong na may ipinatutupad silang freeze hiring at katunayan, nakapag-issue na sila ng halos 3,000 working visas para sa mga OFW.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.