Virgin Mary na Nakaluwa ang Dibdib Pinagpipiyestahan sa Senado

 

AGAW-PANSIN ANG isang photo exhibit sa hallway ng ikalawang palapag ng Senado kung saan makikita ang larawan ni Virgin Mary na nakalabas ang isang dibdib habang nagpapasuso ng sanggol.

Ang nasabing exhibit ay may pamagat na “Padede” at nagpo-promote ng breastfeeding na inilunsad ng tanggapan ni Sen. Pia Cayetano kaagapay ang Pinay in Action, Senate of the Philippines at UNICEF.

Samantala, kasama naman ng larawan ng Birheng Maria ang iba pang larawan ng mga ina na nagpapasuso ng kanilang anak habang ang iba naman ay kinukunan ng gatas.

Ang naturang photo exhibit ay sinimulan kamakalawa at tatagal hanggang Setyembre 6. Layunin nitong imulat ang mga ina sa kahalagahan ng breastfeeding at ibayong kalusugang dulot nito sa kani-lang mga anak.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.