Virgilio Mendez, bagong NBI Chief

SI DEPUTY Director for Regional Services Virgilio Mendez na ang direktor ng National Bureau of Investigation (NBI).

Sinabi ni Justice Secretary Leila De Lima, na nitong Miyerkules lamang nila natanggap ang appointment papers para kay Mendez mula sa Palasyo.

Huwebes ng umaga, nanumpa na si Mendez sa pwesto.

Pinalitan ni Mendez si Atty. Medardo de Lemos na tumayong OIC ng nasabing tanggapan matapos magbitiw sa pwesto si NBI Chief Nonnatus Rojas noong Setyembre.

Ayon kay NBI Deputy Director Edmund Arugay, ikinatuwa nito ang pagkakatalaga kay Mendez.

Bilang insider, alam aniya ni Mendez ang problema sa naturang ahensya at ang posibleng solusyon dito.

Maitutuloy rin aniya nito ang mga nailatag nang reporma ng mga sinundan nito, taliwas kung isang taga-labas ang itatalaga.

Magiging prayoridad umano ni Mendez sa kanyang pag-upo sa ahensiya ang pagtukoy sa hari ng rice smuggling sa bansa lalo na ang pagtukoy kay Davidson Bangayan o David Tan.

Sinabi ni Mendez na magiging prayoridad din nito ang problema sa napakahabang pila sa pagkuha ng mga NBI clearance sa bansa na aniya’y suportado naman ng Pangulong Noynoy Aquino III.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.