Vintage Bomb, Nahukay sa QC

NAKAHUKAY ANG mga construction worker ng vintage bomb sa mismong kalye ng P. Tuazon St., Project 4, Quezon City kahapon ng umaga.

Sinabi ni SPO3 Christopher Marquez ng Quezon City Police Distric (QCPD) Bomb Squad na isang 155-milllimeter vintage bomb ang nahukay na maaaring ginamit noon pang World War II.

Bagama’t antigo na ang nasabing bomba ay maaari pa rin aniya itong sumabog sa sandaling tamaan ng bakal o madarang sa apoy.

Kalimitang dinadala ang mga nadidiskubreng vintage bomb sa Crow Valley, Tarlac upang doon pasabugin at hindi na makapinsala pa.

Samantala, ito na ang ika-limang vintage bomb na natagpuan sa magkakahiwalay na lugar sa Metro Manila matapos simulan ang road re-blocking at repair.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.