Vintage Bomb, Nahukay sa Navotas

NATAGPUAN ANG isang vintage bomb matapos itong mahukay ng mga residenteng naglilinis sa malapit sa kamakalawa ng umaga sa Navotas City.

Ayon kay Major Felipe Dollente ng 1301st CAMANAVA Community Defense Center, dakong alas-10 ng umaga nang matagpuan ang vintage bomb sa North Bay Boulevard South ng nasabing lungsod.

Nagsasagawa ng Oplan-Linis ang mga residente at miyembro ng Reserves Army, nang aksidenteng mahukay ang nasabing bomba.

Sinabi pa ni Dollente na ang bomba ay selyado pa at water proof kaya hindi ito basta-basta sasabog na hinihinala ring panahon pa ito ng World War II at bumagsak sa putikan kaya’t hindi sumabog.

Ang nasabing bomba ay kayang wasakin ang isang barko at mga tulay. Nakatakda na rin itong i-turn over sa tanggapan ng Explosive Ordnance Disposal (EOD).

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.