Vina Morales, walang dahilan para madamay sa isyu ni Vhong Navarro

Vina-MoralesALAM NI Vina Morales kung ano ang kahalagahan ng pananahimik sa anumang klaseng isyu ganu’n din kung kailangan ba siyang magsalita kapag tinatanong siya. Pero sa pagkakataong ito na wala naman siyang kinalaman sa kontrobersiyal na isyu ng pagkakabugbog kay Vhong Navarro at nasasangkot ang pangalan ng dati niyang nakarelasyon na si Cedric Lee na ama ng kanyang anak, wala siyang dahilan para madamay sa isyu, dahil wala nga siyang kinalaman.

Ikinalulungkot ni Vina ‘yung nangyayari, na kailangan pa siyang matanong tungkol sa nangyari na wala nga siyang alam sa puno at dulo ng mga pangyayari. Tsikadora si Vina, at nu’ng magkarelasyon pa sila ni Cedric, hindi naman siya nagdadamot nu’ng sobrang okey pa ang kanilang relasyon, dahil alam niyang bilang artista ay kailangan din niyang magbahagi ng kuwento tungkol sa kanyang lovelife para sa mga tagahanga niya na nag-aabang ng mga kaganapan.

Pero tahimik na nga ang isyu tungkol sa kanila ni Cedric, at ang ugnayan na lang nila ay tungkol sa kanilang anak.  Magkakilala rin sila ni Vhong, dahil pareho silang Kapamilya stars. Sa tagal na ni Vina sa showbiz, sanay na siya sa mga intriga. May ibang pangalan na ‘tulad nina John Lloyd Cruz, Jake Cuenca at iba pang artista ang nadadamay tungkol sa isyu nina Vhong, Cedric at Deniece. Ang isyu lang ni Vina ay naging karelasyon niya dati si Cedric kaya lang siya laging nababanggit sa mga balita ngayon.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.