Vina Morales, nagligtas ng biktima ng hit and run!

NAGBUNGA TALAGA NG maganda ang pananahimik ni Kris Aquino sa dati niyang ginagawang pagtataray at pangangalandakan ng kung anu-ano tungkol sa kanyang nakahiwalayang asawang si James Yap. Kumita sa takilya ang pelikula niyang Dalaw.  Lalo pa’t nu’ng ipino-promote niya ang nasabing movie, puro positibo at nakakikilig ang mga sinasabi niya tungkol sa daddy ni Baby James, kahit nakapagdududa kung nagbabait-baitan lang ba siya.

Magkakaroon na ulit si Kris ng mga bagong programa sa ABS-CBN, na siya talaga ang host. Napasimulan na niya sa promo ng Dalaw ang manahimik siya sa kadaldalan niya, kaya ngayong ipinangangalandakan na ng Dos ang susunod niyang programa, patuloy dapat siyang mag-behave, bilang pampabuwenas ulit, para magustuhang panoorin ng mga tao ang bago niyang programa.

Friends na raw sila ngayon ni James. Hindi na raw sila magkaaway. Pero hindi naman magkaibigan na magkaibigan talaga. Siyempre, nangyayari ‘yan, dahil hindi magandang makalakhan ni Baby James ang kanilang ba-ngayan. Tsaka sa totoo lang, puna ng marami ay kailangan talaga na habang lumalaki si Baby James ay may father figure siyang nakikita.  Hindi pupuwedeng laging si Kris ang kasama, dahil glamorosa ang mundo ni Tetay. Baka lumaking malamya ang anak na lalaki, kung laging si Mommy ang kasama habang lumalaki.

ILANG MALALIM NA pakiki-pagrelasyon na rin naman ang pinagdaanan sa buhay ni Vic Sotto, kaya sa ngayon ay hindi na para sa pansariling kaligayahan ang ikinatutuwa niyang abangan, paghandaan at ikuwento. Katulad na lamang ngayon, ang bukambibig niya lagi ay ang kanyang kasayahan tungkol sa nalalapit nang pagpapakasal nina Oyo Sotto at Kristine Hermosa. Kakaiba ang kanyang saya kapag ang tungkol sa paglagay na sa tahimik ng kanyang mga anak na sina Danica Sotto at Oyo ang kanyang ikinukuwento.

Naudlot na siyempre ang mga naunang plano, na dapat naman daw ay magpakasal na rin si Vic, lalo na nu’ng mainit pa ang relasyon nila ni Pia Guanio. Sa ngayon kasi, lumalayo na ang mga kuwento ni Bossing kapag ang itinatanong sa kanya ay ang tungkol sa kanyang pagpapakasal. Wala namang kumokontra kung muli siyang magpakasal. Sa katunayan, si Danica ay nagwi-wish lagi, na sana nga raw ay magpakasal na ang kanyang daddy, lalo pa ngayon na may husband na siya at mayroon nang sariling pamilya.

Nakikita ni Danica, na parang ang buhay ng kanyang daddy ay nakatutok pa rin ngayon sa mga trabaho nito sa telebisyon at pelikula. Pero bilang daddy, hindi raw nakalilimot sa kanila si Bossing kahit pa gaano ito kaabala sa kanyang trabaho sa showbiz. Katulad na lamang ngayon, dahil sobrang happy si Vic sa kinita sa takilya ng pelikula nilang Ang Alamat Ni Enteng Kabisote nila ni Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr., nagpaplano na raw ang komedyante ng susunod na project na isasali ulit sa darating na Metro Manila Film Festival sa December. Kaya malayo pa nga sigurong mapag-usapan kung kailan ulit magpapakasal ang ex-husband ni Dina Bonnevie.

NAPATUNAYAN NA NAMANG muli ang kadakilaan ng puso ni Vina Morales. Kamakailan ay may isang lalaking muntik mamatay sa kalsada ng Commonwealth Avenue, dahil nabiktima ng hit and run. Nagkataong dumaan ang van ni Vina sa nasabing lugar, at namataan niya ang kahabag-habag na sinapit ng nasabing lalaki, kaya tinulungan niyang madala sa hospital. Sabi ng duktor, malapit na talaga sa panganib ang biktima kung hindi naisugod sa pagamutan. Ganu’n si Vina pagdating sa gawaing mabuti, dahil laging maawain ang kanyang puso.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

16 thoughts on “Vina Morales, nagligtas ng biktima ng hit and run!

  1. Ganda talaga ng mukha ni Vina. Pang princess ang dating.

    At mabhat ka Vina! Hindi lang ang buhay ng taong sinagip mo ang naisalba mo kundi pati na rinang mga damdamin ng taong muntik ng maulila.

  2. wow!sana gud karma kay vina morales iyan,,ang pakasalan at magkaroon ng masasabing pamilya,,diba,,,gud job vina,,yan dapat ang nariinig o mga isyu sa mga stars,,,kadakilaan o pagiging role model sa tao,,hindi yung pagbiblang ng jowa ta kasiraan sa life,,,o pashowbiz,,,hayzzz,..

    ,,hindi na yata mag aasawa si vi cotto muli,,,ayaw na nya,,focus nalang daw sya sa mga anak at apo nya,,baka sila padin ni DINA BONEVIE diba,,malay mo,,

    ,,mas mganda wag ng ituloy ni kris at jame syap ang annulment at magsama na sila ulit bilang mag aswa at pamilya diba,,,,thast life,,

  3. Pingback: Tweets that mention Vina Morales, nagligtas ng biktima ng hit and run! « Pinoy Parazzi -- Topsy.com

    • Ako rin, gusto ko si Vina, sayang walang suwerte sa pag-ibig at napunta lang sa mga lalaking may mga problema na. Ang ganda ni Vina at maski walang make up, ganda pa rin. I like her even more now kasi kind heart sya, matulungin.

Leave a Reply

Your email address will not be published.