Vina Morales, hiniwalayan na ang Chinese boyfriend! – Eddie Littlefield

BAGO PUMASOK ANG year 2010, nakipaghiwalay na si Vina Morales sa kanyang Chinese boyfriend na si Cedric Lee. Hindi naging madali para sa dalagang ina ang naging desisyon niyang tapusin na ang relasyon nilang dalawa. Four years din tumagal ang kanilang love affair na nagbunga ng isang malusog na baby girl.

Nagising sa katotohanan ng buhay si Vina, ang lalaking minahal niya at ama ni Baby Ceanna ay may pananagutan na sa buhay kahit hiwalay pa ito. Matagal din siyang umasa, naghintay na balang araw ay mapapawalang-bisa ang kasal ni Cedric sa una nitong asawa pero bigo ang magaling na singer/actress. Patuloy pa rin ang legal battle ni Cedric sa ex-wife nito.

Oo nga’t naging malungkot ang paghihiwalay nina Vina at Cedric pero naging maayos naman daw ang kanilang pag-uusap. Alam natin kung gaano nila kamahal ang isa’t isa kaya lang may hangganan ang pagmamahal. Nangako naman daw si Cedric na hindi niya pababayaan ang mag-ina, nakahanda raw siyang magbigay ng financial support sa mga ito.

“Kilala naman ninyo ako, hindi ako ‘yung tipong umaasa sa ibang tao. Bata pa lang ako kumakayod na, kaya kong tumayo sa sarili kong paa. Si Ceanna ang pinakamagandang bagay na nangyari sa buhay ko. Siya ngayon ang priority ko at inspirasyon sa buhay, secondary na lang ang trabaho. Kailangan nating kumayod para mabigyan ko siya ng magandang kinabukasan,” simpleng sagot ni Vina.

Ever since naman, ayaw ni Vina mapag-usapan ang kanyang private life kaya hindi na kami nagpilit pang tanungin ang totoong dahilan ng paghihiwalay nila ni Cedric. Ang importante raw sa ngayon masaya siya kahit walang lovelife.

BONGGA ANG LOVE life at showbiz career ni Iza Calzado, may Atticus King na tunay na nagmamahal at sunud-sunod ang TV projects sa GMA-7 plus movies.Napakaganda kasi ng attitude ng dalaga, very positive ang outlook sa buhay. Walang intriga sa katawan kahit iniintriga, hindi kasi siya mapagpatol sa mga negative issues na kagagawan ni Sunshine Dizon.

Hanggang ngayon, ayaw pa ring patahimikin ng mag-inang Sunshine at Dorothy Laforteza si Iza. Wala naman itong kagalit sa showbiz, kung anuman ‘yung naging problema nila bilang magkaibigan ay ipinasa-Diyos na lang ‘yun ni Iza. Nanahimik, hindi nag-comment tungkol sa hidwaan nilang magkaibigan. Tuloy, nabuo sa isip namin, sino ang magtatagpi-tagpi ng kasinungalingan para sirain ang pagkatao ni Iza kung hindi si Sunshine.

Kung anumang kanegahan ang dumarating ngayon kay Sunshine, siya ang may likha nito, huwag isisi sa ibang tao, huwag idamay si Iza Calzado. Hindi na lang mag-focus sa trabaho at harapin ang problemang kinakaharap sa ngayon. Kung anu-anong anik-anik kasi ang ginagawa sa buhay kaya hindi makapag-isip ng tama.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

4 thoughts on “Vina Morales, hiniwalayan na ang Chinese boyfriend! – Eddie Littlefield

  1. o tingan nyo c vina…cno ba reporters ang kumondena jan!!! mas imoral yan dahil nandamay pa ng bata…haayyyy nku…tigilan ang pagmamalinis ok….

  2. naku vina wag ka na ngang magpa sympathy effect, siguro tinakot kang idedemanda ng asawa ng kabit mo kaya ka natauhan.. tumigil nga kayung mga immoral pinakimkiman mo lang ng 500 daan etong writer na eto full praise na sayo agad.

    ilang ulit ka nang nilaspag ni robin kaya tumigil ka na lang kaya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.