Vina Morales, dedma lang sa kabit isyu! – Archie de Calma

MARAMI PA RIN ang kumukuwestiyon sa isyu ng moralidad sa panganganak ni Vina Morales at ang pagsulpot sa mundong ibabaw ng lovechild niyang si Ceana, courtesy of her non-showbiz boyfriend na si Cedric Lee.

Sa muling pagbabalik ni Vina pagkatapos ng ilang buwang pamamahinga, excited na naman siyang humarap sa limelight na feeling newcomer.

Iba na rin talaga, aniya, ang situwasyon ng isang gaya niyang isa nang ina. Kahit nga walang maituturing na asawa, puwedeng mapagkamalang mas masaya pa nga si Vina sa ganitong set-up.

Marami tuloy ang nagsasabing parang nagpabuntis na lang siya kay Cedric nang sa gayon ay magka-anak. May mga nagsasabing she doesn’t really need a husband. Natatawa na lang si Vina sa ganitong akusasyon sa kanya.
“May masama ba kung wala akong asawa pero may anak ako? Will that make me a lesser person?” tasahasang sabi niya.

[ad#post-ad-box]

May pagka-judgmental ang mga tao. Matagal kasing naghintay si Vina at inaasahan ng marami, lalagay muna siya sa tahimik bago mabuntis. Pero, hindi nga ganoon ang naging tadhana niya.

“I don’t have a problem with that,” sabi pa ni Vina. “So, why should I be bothered sa mga nagsasabi ng dapat o hindi ko dapat ginawa? Kung totoong nagmamalasakit sila sa akin, sa halip na i-judge nila ako sa nangyari sa akin, sana, maintindihan nila na si Ceana ang kaligayahan ko talaga.

“’Yun lang ang mahalaga sa akin at sana, e, suportahan nila ako sa pagbabalik ko para maitaguyod ang anak ko, ‘di ba?” nangingiting nasabi na lang ni Vina.

Sa madaling sabi, walang pakialam si Vina kung may mga nagpapalagay na siya diumano ay isang kabit lang o hinuhusgahan siya dahil nagkaanak siya without the benefit of marriage.
NAKASAMA NAMIN SA isang indie film si Kristoffer King, sa Showboyz, pero wala kaming kamalay-malay na gaya namin, siya pala ay isang diabetic.

Napatiim-bagang kami nang ipagtapat ni Kristoffer sa amin na diabetic siya (Type 2 diabetes ang sa kanya) na gaya namin, insulin-dependent na. Nasabi niya sa amin ito nang mapansin naming pinagpapawisan siya nang husto after a take sa isang third run cinema sa Blumentritt kung saan nagsu-shoot siya para sa “SRO (Standing Room Only)” na dinidirek ni Joven Tan.

Kristoffer has gained weight and it must be the effect of insulin in him. Ang medyo ikinalungkot namin, napakabata pa ni Kristoffer for this kind of lifestyle disease, na ang feeling namin, namana talaga niya sa kanyang yumaong ama.
Ilang taon na ang nakararaan, Kristoffer’s dad died of complications which resulted from diabetes. Napakakasuwal na nasabi sa amin ni Kristoffer na baka nga kung ano ang kinasadlakan ng ama niya, ‘yun din ang puntahan niya eventually.

Pero sabi namin sa kanya, kaya niya ‘yan. Bata pa siya. Malakas pa’t kayang labanan ang sakit na ‘yun. We’re glad to know that he’s trying his best to manage his condition and control his glucose level.

Calm Ever
Archie de Calma

loading...

2 thoughts on “Vina Morales, dedma lang sa kabit isyu! – Archie de Calma

  1. Wala naman sa age ang morality issue e. You can remain honorable until death. It is always your choice, yung love life. Vina has a wild past like her sister Shaina. According to my friend, Vina accepts one night stands. That story circlated around 1997-2000. Kaya hindi siya pinakasalan ni Zubiri.And her Manotoc story? Baka may relationship sila before. I guess it runs in the family nila, yung ganyang wild life. Yung pumapatol sa may asawa. Cedric Lee claims na hiwalay na siya sa first wife…siempre pag mistress, there is a reason not to return to wife.

  2. vina is already in her 30’s kaya she just laughs off the morality issue. siguro kung nangyari ito when she was younger that’s when you try to question her kung papaano na ang sasabihin ng mga tao. ok lang bang lumaki ang bata na walang ama. kaya naman siguro nyang buhayin ang bata na mag-isa so ok lang. emotionally though, i don’t think she will be complete without a husband. siyempre sasabihin nyang masaya siya kahit anak lang nya walang asawa dahil talagang malabong mangyari yun ngayon. of course she consented having herself the baby at hindi lang aksidente. sana nga masaya siya. maging leksyon din sa mga kababaihan na masyadong idealistic. dahil hindi palaging nangyayari ang gusto mong mangyari sa buhay mo. so pag-isipang mabuti ang gustong gawin sa buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published.