Vina Morales, binago ng kanyang bagong baby girl – Eddie Littlefield

SEXY AS EVER pa rin si Vina Morales kahit six months pa lang siyang nakapanganganak sa first baby girl nila ni Cedric Lee na si Ceana. “Secret ko? Hmmm, first month, breast feeding and then, second month, I wanted sana to workout sa gym pero hindi pa raw puwede, hindi normal.

“Nag-start akong mag-diet and workout on the 3rd month kaya lang mahirap talaga. Right now, hindi pa rin heavy ‘yung workout na ginagawa ko, unti-unti lang,” say ni Vina.

Okey lang kaya sa kanya na magpa-lipo kung kinakailangan? ”Tinatanong ko nga sila kung puwede ba akong magpa-lipo, kasi sabi nila, hindi naman daw basta-basta makukuha sa workout. Kung puwedeng bawasan lang for lipo, okey lang, bakit ang hindi?

[ad#post-ad-box]

“Ang hirap mag-diet but I have to do it kasi balik trabaho na naman ako. Kung patatagalin ko, e, baka mas mahirapan ako,” diretsong sabi niya.

Right now, naka-focus ang atensiyon ni Vina sa anak niyang si Ceana at sa kanyang showbiz career. “For now, I’m enjoying Ceana. I’m still young, puwede pa naman akong magkaanak. Basta ako, thankful ako na God gave me the opportunity to become a mother, to experience motherhhood. Para sa akin, having Ceana in my life is the same as being complete,” pagmamalaking wika niya.

Pinagayan ka ba naman ni Cedric na magbalik-showbiz? “Maski ano ang decision ko, suportado naman ako nu’n, wala namang problema du’n. I need to work for myself and also for Ceana, ayaw ko namang umasa kahit kanino.

“Since I was a kid, nagtatrabaho na ako para sa sarili ko and hindi ako sanay na may sumusuporta sa akin, I really support myself,” paliwanag ni Vina.

Kumusta naman ang relationship ninyo bilang mag-asawa? “Alam naman ninyo ang aking lovelife, for four years, on and off, away-bati, normal lang naman yata ‘yun. It’s so hard to talk about it because he’s not from the business.

“Right now, hindi ko masyadong iniisip ‘yung karelasyon ko ngayon coz I’ m so concentrated with Ceana. Para sa akin, with her alone ay buo na ang buhay ko.

“Kailangan kong alagaan ang sarili ko para maalagaan ko si Ceana. I really think and believe na ‘pag mommy ka na iba na talaga. It was Ceana who gave birth to me to become a better person. Kasi nga, ang laki ng nabago sa sarili ko, mas grateful ako, feeling ko kahit anong bagyo ang dumaan sa buhay ko, e, kaya ko, alam mo ‘yun, “ sabi pa ni Vina.

Ibayong paghahanda ang ginagawa ngayon ni Vina para sa Star Magic, The World Concert Tour sa Araneta Coliseum on November 13.

Last October, e, ibang klaseng bonding experience ang na-feel ng singer/actress nang mag-celebrate siya ng kanyang birthday kasama si Ceana, her family and close friends na sina Billy Crowford, Nikki Gil, Erik Santos, Vhong Navarro and Geneva Cruz.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.