Vin Abrenica & Jasmine Curtis-Smith: JAS be MINE!

Jasmine-Curtis-Smith-Vin-AbrenicaVIN ABRENICA
Real Name: Alvin Guiang Abrenica
Birthdate: May 27, 1991
Zodiac Sign: Gemini

JASMINE CURTIS
Real Name: Jasmine Casandra Ojales Curtis-Smith
Birthdate: April 6, 1994
Zodiac Sign: Aries

HOMEGROWN TALENTS ng TV5 sina Vin Abrenica at Jasmine Curtis. Maliban sa pareho silang pambato ng network, pareho rin silang may utol na sikat. Si Vin ang younger brother ng Kapuso hunk na si Aljur Abrenica, habang si Jasmine naman ang younger sissy ni Anne Curtis.

Hindi kami sure kung perstaym ito, pero ang JasVin ang pares na binebenta ngayon sa fictionalized Sunday drama/thriller na JasMine. Kapapanood lang namin ng episode nito noong Linggo and in fairness, may chemistry ang dalawa, huh!

Kung sa telebisyon ay nakitaan namin sila ng potensyal, sa totoong buhay kaya, may chance?

Maraming common traits ang Aries at Gemini kaya konti lang ang problemang posible nilang kaharapin. Pareho nilang gustong i-enjoy ang buhay at bukas sila sa pagta-try ng iba’t ibang klaseng adventures. Madali silang ma-bore sa paulit-ulit na routine kaya sinusubukan nilang mag-formulate ng creative ideas lalo na sa usaping diskarte sa buhay man o sa pag-ibig. Nirerespeto nila ang personal space ng isa’t isa kaya walang clingy issues na magaganap.

Smooth man na maituturing ang relasyong ito, may pagkakataon na nagka-clash din sila. Impatient ang Aries, samantalang ang Gemini minsan ay paliguy-ligoy sa life decisions. Ano pa nga ba ang mga problemang kanilang posibleng kaharapin? Actually, parang ‘yun lang, eh!

Todong-todo ang energy ng relasyong ito! Same sila ng interests at the Gemini guy makes sure na hindi niya masasapawan ang individual identity ng Aries. Bonggang atensyon din ang ibibigay ng babaeng Aries sa dyowang Gemini. This relationship is full of life and energy. P’wedeng-p’wede talaga!

TV5, mukhang hindi lang bagong loveteam ang na-discover ninyo in Vin and Jasmine. Pang-lifetime partner din pala! I wonder kung anong mase-sey ni Papa Sam Concepcion? Hmmm… bakod-bakod din ‘pag may time dahil baka mamaya, ang prinsesang you call ‘mine’ ngayon ay ‘Jas Mine’ na ng mala-Macheteng gwaping like Vin! Chos!!!

Pares-Pares

By Madam Damin

Previous article“The Rosy Cheecks”
Next articleKumpara kay Jinggoy Estrada; Bong Revilla Jr., mas mareklamo sa kulungan?

No posts to display