Viloria, pinataob si Herrera

NAGING MATAGUMPAY ang pagbabalik sa ring ni two-division former world champion Brian “Hawaiian Punch” Viloria (33-4, 19 KOs) isang taon matapos na matalo at maagaw ang kanyang WBO/WBA belts kay Juan Francisco Estrada sa Macao.

Ang nasabing boksingero ay nanalo kontra kay Juan Herrera (9-8, 4 KOs) sa pamamagitan ng unanimous decision sa kanilang laban sa Texas Station Hotel and Casino sa Las Vegas.

Nakapagtala ang tatlong judges ng scores na 98-92, 98-92, 97-93  na pabor kay Viloria.

Napag-alaman na sa nangyaring official weigh-in mas mabigat nang bahagya ang Fil-Am boxer sa 113 pounds, habang ang kalaban naman na si Herrera ay may timbang na 112 pounds.

Samantala, una nang sinabi ni Top Rank promoter Bob Arum na nakasalalay pa rin sa ipapakitang performance ng boksingero kung makakasama ito sa feature fights ng Donaire versus Vetyeka main event sa May 31 sa Macau.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

One thought on “Viloria, pinataob si Herrera

  1. Pingback: Viloria, pinataob si Herrera - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.