Viloria, Binigo ni Estrada

NABIGO SI Brian “Hawaiian Punch” Viloria na makuha ang hinaha-ngad niyang impresibong tagumpay  laban kay Mexican challenger na si Juan Francisco Estrada.

Ito’y matapos talunin ni Estrada si Viloria sa pamamagitan ng split decision sa score na 115-113, 111-116, 111-117.

Ginanap ang naturang labanan sa Cotai Arena, The Venetian hotel sa Macau.

Matatandaan na naging liyamado pa sa pustahan ang Pinoy boxer, lalo’t ito ang unified flyweight champion.

Pero dahil sa pagkatalo ng “Hawaiian Punch”, may bago na ngayong kampeon at ito ay sa katauhan ng Mehikanong si Estrada.

Samantala, ang ring record na ngayon ni Viloria ay 32-4-0, habang ang Mexican fighter ay uma-ngat na sa 23-2-0.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.