Vilma Santos, sabik nang makagawa ulit ng pelikula

Vilma-SantosAWARE NAMAN si Batangas Governor Vilma Santos-Recto na sa ngayon ay marami na ang naghihintay sa kanyang sasabihin kung anong posisyon ba sa nalalapit na halalan ang kanyang inaasintang masungkit. Pero hindi pa muna siya nagbibigay ng kahit pahapyaw na mga salita tungkol sa kanyang mga plano sa larangan ng pulitika, dahil wala pa talaga siyang puwedeng ibigay na mga pahayag lalo pa’t kagagaling lang niya sa bakasyon sa Amerika.

Ang naglalaro sa isipan ngayon ni Vilma, ang masimulan at matapos na niya ang bagong pelikula na kanyang gagawin sa Star Cinema kasama si Angel Locsin. Iyon ang nararamdaman niya sa ngayon, ang kasabikan na muling makasingit na gumawa ng movie, dahil matagal-tagal na rin niyang hindi nararamdaman ang saya na umarte sa harap ng kamera, dahil Ekstra pa ang huling project na kanyang ginawa.

Gusto muna ni Vilma na umarte, dahil bilang public servant ay parang nasa heaven ngayon ang kanyang pakiramdam, dahil sa ilang taon niyang panunungkulan sa Batangas ay nagkaroon ng katahimikan ang nasabing lalawigan. Kaya nga, mayroon ding mga taga-Lipa City na gusto rin na kung ayaw ng mommy ni Luis Manzano na kumandidato sa mas mataas pang posisyon, bumalik na lang siya ulit at kumandidatong mayor ng Lipa. Pero ang lahat ay wala pang katiyakan, dahil maaga pa nga para pag-usapan ang puwedeng mangyari na maging bago niyang desisyon sa hinaharap.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.