Vilma Santos-Recto, walang balak kumandidato sa 2016

Vilma-SantosSA AMING radio show sa Radyo Inquirer na Wow It’s Showbiz every Monday to Friday, 3-5pm, naibalita sa amin ng aming radio reporter from Senate na si Chona Yu na hindi na raw tatakbo sa anumang posisyon sa pulitika ang governor ng Batangas na si Ms. Vilma Santos-Recto.

Ang balitang ‘yon ay galing mismo sa bibig ni Senator Ralph Recto. Mas gusto raw ni Senator Recto na maging presidente si Gov. Vilma Santos.

Yes, maging presidente ng mga Senior Citizen ang gusto ni Senator Ralph para kay Vilma.

At kung mangyayari nga ang gusto ni Senator para kay Ate Vi, sigurado nga raw na pinakamagandang presidente ng mga senior citizen ang kanyang asawa.

Ayon pa kay Senator Recto, gusto rin niyang magpakasal muna itong si Luis Manzano sa kanyang girlfirend na si Angel Locsin bago ito sumabak sa pulitika.

So, walang magaganap na pagtakbo sa taong 2016.

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

Related Post

loading...

3 thoughts on “Vilma Santos-Recto, walang balak kumandidato sa 2016

  1. tama ka dyan showbizpulitika here we go again Vilma same old story,lokohin mo ang lelang mo Vilma, for sure you will run either for senator or vice pres.when election is nearly approaching sasabihin mo na naman people asked you to run style mo Vilma bulok na, E paano si Luisa,

  2. Naku naman lumang tugtugin na yan ! lagi niya sinasabi sa taong bayan wala siyang balak tumakbo. pero pagdating ng halalan na. ayan na mabilis pa sa pagkandidato para makaupo sa gobyerno. kaya nga simula mayor hanggang sa pagka gobernardor … hindi ba palagi walang balak tumakbo panay press release nila hahahaha kaya sa 2016 asahan na hahahaha

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.