Vilma Santos, napabuntong-hininga na lang sa problema nina Luis Manzano at Angel Locsin

Vilma Santos, napabuntong-hininga na lang sa problema nina Luis Manzano at Angel LocsinIto ‘yung pangalawang pagkakataon na nagkahiwalay sina Angel Locsin at Luis Manzano, na mas kontrolado na ni Governor Vilma Santos-Recto ang kanyang emosyon at magiging reaksiyon sa nangyari.  Hindi biro para sa Star For All Seasons ang unang pagkakataon ng hiwalayan ng dating magkasintahan. Para sa governor ng Batangas, hindi na talaga iba ang turing ng kanilang pamilya sa magandang Kapamilya actress, dahil sobrang magaan na ang kanyang loob sa co-star niya sa pelikulang “Everything About Her” ng Star Cinema.

Nu’ng una ay sobrang panghihinayang. Sa pangalawang pagkakataon, napabuntong-hininga na lamang si Gov. Vilma Santos nu’ng unang pagkakataon na malaman niyang mayroon na namang problema sina Angel at Luis.  Ipinagpapasalamat na lamang ng premyadong aktres, na nangyari ang prolema habang busy sila sa promo ng bago niyang pelikula, at nakaporma na rin ang magiging sobrang kaabalahan niya sa pagkandidato niya bilang congresswoman sa Lone District ng Lipa City. May tiwala siya sa panganay niyang anak, na kaya nitong dalhin ang sitwasyon.

Dahil na rin sa mga kabuntot na okasyong dapat silang magkita kaugnay ng tagumpay ng pelikulang kanilang pinagsamahan, magkikita pa rin naman sina Gov. Vi at Angel. Kaya lang, ayaw na ng wife ni Senator Ralph Recto na kinukulit siyang magkuwento tungkol sa bagong paghihinayang na kanyang nararamdaman sa bagong gusot nina Angel at Luis. Muli niyang ibinabalik ang dating pinaniniwalaan na kung sino talaga ang babaeng pakakasalan ni Luis, iyon ang kanyang magiging manugang.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.