Vilma Santos, may dahilan ang pagiging kuripot

Congresswoman Vilma Santos-Recto

Congresswoman Vilma Santos-Recto

Balanse ngayon ang takbo ng buhay ni Congresswoman Vilma Santos-Recto dahil napagtatagumpayan niyang bigyan ng nauukol na panahon ang kanyang pamilya, ang kanyang showbiz career, at ang pulitika.  Aminado ang Star for all Seasons na sa patuloy niyang pag-aaral sa kanyang mga karanasan, marami talaga siyang natutunan at patuloy pang pinag-aaralan para sa mas lalo pang ikatatatag ng kanyang pagkatao.

“Napakahalaga sa akin ng pamilya ko, kaya kailangang may panahon ako para sa kanila. Kay Senator Ralph at sa anak naming si Ryan Christian. Lagi kaming may communication ng anak kong si Luis. Mahirap ‘yung dinaanan ko sa una, dahil nagkahiwalay kami (ni Edu Manzano). Na dapat may madadatnan siyang asawa sa bahay. Pero dahil nabaon ako noon sa utang, kaya kahit Sunday na para sa pamilya ay nagtatrabaho ako para mabayaran ko ang mga pagkakautang ko,” wika ng premyadong aktres.

Aware si Congresswoman Vi, na iniintriga sa showbiz na kuripot siya pagdating sa pera.

“Ayoko nang maulit ‘yung nangyari sa akin. Na wala na pala akong pera ay nakabaon pa ako sa utang, na kahit ang bahay na tinitirhan ko ay nakabaon din sa utang. Masakit sa ulong isipin ang magkaroon ng utang. Sabihin man nila na kuripot ako, sige lang. Pero nagkaroon lang ako ng tamang direksiyon sa pag-aalaga sa mga kinikita ko. Ngayon, kapag naglabas ako ng pera, kahit piso lang ‘yan ay dapat alam ko kung saan mapupunta ‘yung piso na ‘yan,” sabi pa ng aktres-pulitiko.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.