Vilma Santos, mas pokus ngayon sa ginagawang pelikula kaysa sa plano sa pulitika

Vilma-SantosTALAGANG IPINAGLALABAN muna sa ngayon ng Star For All Seasons na si Governor Vilma Santos-Recto ang kanyang pagiging artista bago magsimula ang init ng kanpanyahan para sa darating na halalan sa 2016. Bilang isang ina, alam niya sa kanyang sarili na nagagampanan naman niya ang pagiging mommy ng kanyang mga anak, una kay Luis Manzano at ngayon ay kay Ryan Christian Recto. Dahil kahit busy siya sa pagiging public servant ay sinisigurado niyang may panahon siya sa kanyang pamilya.

Kaya nga nang maplatsa na ng Star Cinema ang tungkol sa planong pelikula na kasama nga niya si Angel Locsin, nakahinga nang maluwag si Vilma, dahil hindi na siya mabobokya at matetenggang hindi makagawa ng kahit isang project. Sa ngayon kasi, mahirap ang sitwasyon niya, dahil puro paghimok ngayon tungkol sa pagpalaot pa niya sa mas mataas na posisyon sa larangan ng pulitika ang inilalapit sa kanya ng mga taong naniniwala sa kanyang kakayahan.

Para kay Vilma, napakaaga pa para magbigay siya ng mga pahayag tungkol sa darating na halalan. Sa ngayon, ang gusto talaga niya ay matapos ang movie nila ni Angel, na kuwento nga ng premyadong aktres ay hindi na rin sobrang nakapanghihinayang para sa kanya na hindi na nga talaga nakasama si Luis sa nasabing movie, dahil dati naman ay nagkasama na sila sa project ng Star Cinema, kasama rin si John Lloyd Cruz.

ChorBA!
by Melchor Bautista

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.