Vilma Santos, maayos na naalagaan at napakisamahan ang mga fans kaya patuloy na nagsusuportahan

Vilma Santos, maayos na naalagaan at napakisamahan ang mga fans kaya patuloy na nagsusuportahanNapakaganda ng ginawang pag-aalaga at pakikisama ni Governor Vilma Santos-Recto sa kanyang mga fans, ang Vilmanians, kaya naman hanggang ngayon ay magkakasama pa rin sila at patuloy na nagsusuportahan. Sa laki ng iba’t ibang grupo ng mga tagahanga ng Star For All Seasons, hindi na lang sila basta tagasuporta, tagapalakpak, at tagatili kapag ipinagbubunyi ang pagiging aktres ng mommy ni Luis Manzano. Dahil ang mga Vilmanians talaga sa ngayon, para nang isang malaking pamilya na laging nagkakasama-sama, dahil solid ang kanilang samahan.

Bilang mga tagasunod, willing talaga ang mga Vilmanians na samahan si Gov. Vilma Santos sa kanyang paglilibot at pangangampanya dahil kumakandidato siya ngayon bilang congresswoman sa Lone District ng Lipa City.  Pero ang premyadong aktres na rin ang umaayaw madalas, dahil naaawa rin siya sa kanyang mga fans kapag napapagod sila. Saan man makarating ngayon ang tagumpay ni Ate Vi, lagi pa rin niyang kasama ang kanyang mga fans at hindi iniiwanan.

Sa dami ng solidong grupong mga tagahanga ni Ate Vi, malaki ang ginagampanan ni Jojo Lim na siyang pangkalahatang namamahala sa mga Vilmanians. Angat na angat ang istilo ng sistema ni Jojo para lalong mapagkaisa ang mga Vilmanians. May sistema si Jojo para alamin ang kinaroroonan ng iba pang mga tagahanga ni Ate Vi na nasa iba’t ibang probinsiya maging ‘yung mga nasa ibang bansa. Magaling si Jojo dahil talagang hinahanap niya ang mga taong Vilmanian talaga, para maging kasapi nila. Kaya wala tayong masasabi kundi, happy birthday, Jojo Lim!

ChorBA!
by Melchor Bautista

Related Post

loading...

One thought on “Vilma Santos, maayos na naalagaan at napakisamahan ang mga fans kaya patuloy na nagsusuportahan

  1. Mabait talaga sa fans si Vilma. Hindi niya itinuturing na fans ang mga ito kundi mga kaibigan. Higit sa lahat, may malasakit siya sa mga ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.