Vilma Santos, idol ni Marian sa Darna by Ambet Nabus

HALOS WALANG KATAPUSANG pasasalamat ang ibinabahagi ng pamilya Aquino sa mga tao sa mga huling sandaling bago ihatid sa huling hantungan si Tita Cory.

Umagos ang luha sa Manila Cathedral at napuno nga ng maraming magagandang mensahe ang huling paalam sa dating Pangulo.

As usual, si Kris Aquino ang isa sa mga nagbigay ng magagandang pag-alala sa kanyang ina. Klasiko ang pagbanggit ni Kris tungkol sa magiging papel nila ng kapatid na Senador na si Noynoy para ipagpatuloy ang mga laban ng kanilang parents.

Nagawa pa nga nitong haluan ng humor ang mensahe nang ibahagi niya ang wish ng anak na si Josh na huwag itong mag-asawa dahil wala na diumanong magbabantay rito.

Pati ang isyu sa kanila ng asawang si James Yap ay nagawa ring ikuwento ni Kris, bilang pagpapatunay na ganu’n nga siya ka-honest.

Pero sobra kaming na-touch dun sa ginawa niyang pagpapasalamat sa lahat ng kapamilya niya na ngayon nga lang talaga halos nakilala ng sambayanan.

Isa na marahil ‘yun sa mga best moments na nakita natin kay Kris at kung seseryosohin nga niya ang public service, walang dudang may magandang pupuntahan si Kris.

Bongga rin ang mga pagbabahagi ng singing talents ng mga kaibigan nina Kris.

Nakapangingilabot ang rendition nina Lea Salonga sa “Bayan Ko” at Sarah Geronimo sa “Magkaisa,” habang nakaiiyak naman sina Zsa Ssa Padilla, Dulce, Regine Velasquez at Martin Nievera.

For sure, lahat sila ay nagpipigil lamang na bumigay sa kanilang emosyon considering ’yung bulto ng mga naroroon. Mula sa pinakamayayaman hanggang sa mga ordinaryong tao na ayon nga sa mga ulat ay naroroon na sa gitna man ng lakas ng hangin, ng matinding init at grabeng pag-ulan. Pero ang nakapangingilabot ‘yung biglang paghihinto ng ulan kapag dumadaan na ‘yung truck kung saan nakalagay ang kabaong ni Tita Cory. Na-witness din namin ‘yun at nakakaloka ang ganu’ng karanasan, in fairness!

USAPANG MARIAN Rivera naman tayo. Soon ay lilipad na sa GMA- 7 bilang pinakabago nitong Darna.

Sa grand presscon na ginanap kamakailan ay hindi na nito napigilan pa ang magbigay ng kanyang pahayag hinggil sa pressure na ibinibigay sa kanya dahil siya raw itong muling magbabangon sa primetime ng GMA- 7. For the last few weeks kasi ay halos ubusin ng katapat na ABS-CBN shows ang pagrampa sa ratings kaya panahon na raw para ibalik ito ni Marian thru Darna.

“Naku, hindi ko gustong intindihin iyan. Hindi ko na nga maayos-ayos ang mga stunts ko, iisipin ko pa ba iyan? Basta ang sigurado kami, group effort ang mapapanood ninyo sa Darna. Lahat kami ay nag-exert ng matinding effort para higit na mapaganda ang fantaserye. Ayokong isipin na matalbugan ang ratings ng iba o higitan ang previous Darna. Iba ako, iba kami dito ngayon,” ang pahayag ni Marian.

Hindi na rin nito napigilan pang sagutin ang isyu na kung may babanggitin man siyang pinakapaborito niyang Darna ay ‘yun ay walang iba kundi si Gov. Vilma Santos.

“Siya naman talaga ang naabutan ko at pinangarap kong sundan. Lahat naman tayo ay may lihim na pangarap na maging superhero someday at nu’ng bata ako, si Ate Vi ‘yung idol ko. Magaganda at mahuhusay naman ‘yung ibang nag-Darna, pero si Ate Vi ang pinaka-naiiba. Ang ma-i-level man lang ‘yung version ko sa mga nagawa niya ay isa ng malaking honor for me. Pramis, hindi kayo mabibigo,” susog pa nito.

At kung bakit pumayag siyang hindi si Dingdong Dantes ang kanyang leading man sa serye (si Mark Anthony Fernandez ngayon), sumagot itong, “para maiba naman. Space kumbaga. Tsaka, nag-usap kami ni Dong na kailangan namin ‘yun. Hindi naman puwedeng laging kami ang magkasama. Tsaka, mas nakakatulong nga ‘yun dahil walang sawa factor sa amin. At least kung magkita kami, may iba kaming pinag-uusapan at puwedeng pag-awayan.”  ‘Yun na!!!

Showbiz Ambus
by Ambet Nabus

loading...

11 thoughts on “Vilma Santos, idol ni Marian sa Darna by Ambet Nabus

  1. tama ka dyn jhonny,,sisabi nila na c marian ang mang-aagaw ng bf,,d ba inagaw ni karyle si dong kay anttonite taus then si zha2 naman si dolphy kay alma,,o ngayon sino ang mag-aagaw,,kaya go marian for darna,,ikaw ang pinakamagandang darna sa lahat ng gumanap,,c angel wala yan

  2. akne,,hindi mang aagaw c marian type lang talag sya ni dong over karyle,,kung ako ang mamimili eh type ko c marian,,bat si zhzha yong nanay nya inagaw nya c tito dolphy kay alma,,kaya tumahimik ka dyan dahil wala kang alam,,hellerrrrrrrr

  3. sus kaya pala na BI si Ate Vi na nakikipagplastikan lang kay angel dahil ayaw nya masaktan si luis..

    pero ayaw nya kay angel dahil alam niyang ilang beses nang palipat lipat ng bf at di tumatagal sa mga naka relasyon haha!

    • kesa nman MANGAGAW NG BOYFRIEND NG MAY BOYFRIEND!!!!!!!!!!!!! TAKOTTTT AKO SA KARMA NO!!!!!!!!!!!

  4. before marian siyempre si nanette medved ang pinakagamanda!

    pero iba talaga ang aura ni marian ang ganda ganda nya!

    ai angel kasi mukhang tsimay lang.

  5. OK KA LANG BAKLA ,AYAW LANG MAGING BASTOSS NI ATE VI SIEMPRE C ANGEL ANG GUSTO NYA MAGPAKATOTOOOOOOOOO KA NGA!!!!!!!!!!!!

      • mlayong mgustuhan ni ate vi c marian dahil unlike marian di sya PALENGKERA!!!!!!!!!RESPETADO SYA!!!!!!!

  6. sipsip!

    hahahaha!

    FYi! Hindi type ni Ate Vi si Marianaconda, Si Angel Lang ang gusto nya!

    Edu Manzao – Captain Barbell
    Vilma Santos – Darna
    Luis Manzano – Flash Bomba
    Ange Losin – Next Generation Darna!

    Pamilya ng superheroes!

Leave a Reply

Your email address will not be published.