Vilma Santos, halos matunaw sa mga papuri ng co-stars sa “Everything About Her”

Vilma-Santos

Halos matunaw si Batangas Governor Vilma Santos-Recto sa mga papuri mula mismo sa kanyang mga co-lead stars na sina Angel Locsin at Xian Lim in Star Cinema’s opening salvo for 2016, ang “Everything About Her”.

Not only do Angel and Xian doff their hats to the actress par excellence, lalo silang bumilib sa pagkatao ni Ate Vi beyond the grinding cameras sa pelikula sa direksiyon ni Binibining Joyce Bernal.

Angel: “Si Tita, siya pa ‘yung apologetic, never siya na-late sa set, hindi ko siya narinig na magkareklamo na kesyo pagod na siya.”

Xian: “Siya ‘yung laging may dalang cheese pimiento at tinapay para sa lahat. Para sa kanya, there should be equality, walang malaki o maliit na artista. Sa kanya, bawal magutom.”

Ate Vi was listening intently all along, pero nang hingan ng reaksiyon: “Parang ang bait ko naman! Ha! Ha! Ha! Para sa akin kasi, pantay dapat lahat-lahat. Kasi, ang nakikita lang natin, eh, ‘yung mga artista.  Paano naman ‘yung crew na nauunang dumating sa set? Sila rin ang huling umuuwi.”

Mahigit limang dekada nang nasa industriya si Ate Vi, and she’s still on top of the game. Kung may magtatanong pa what is it about Vilma Santos that makes her stay in the business?

Everything… ‘yan ang totoo!

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.