Vilma Santos, excited makalaban sina Nora Aunor at Jaclyn Jose sa pagka-best actress sa mga award-giving bodies

Vilma Santos

Vilma Santos

Finally, sa suporta ni Jojo Li, isang avid Vilmanian, nakausap namin via phonepatch sa “Wow It’s Showbiz ” sa Radyo Inquirer 990 ang Star For All Seasons na si Congresswoman-elect Vilma Santos-Recto.

Masayang-masaya siya dahil nga sa kanyang muling pagkapanalo sa kanyang mahal na Batangas.

“Masaya dahil nga sa pinagkatiwalaan na naman ako ng aking mga kababayan,” sey niya.

At inamin din niya na siya ay inoperan din na tumakbong vice president, pero hindi nga niya ito tinanggap. Ang dahilan, gusto pa rin niyang makasama ang kanyang pamilya sa oras na gusto niya.

Nakarating na rin kay Ate Vi ang pagkapanalo ni Jaclyn Jose sa Cannes International Film Festival.

At sinisiguro na nga ng marami na silang tatlo – Vilma, Nora Aunor, at Jaclyn – ang maglalaban sa mga award-giving bodies dito sa atin sa pagka-best actress.

“Naku matatanda na kami, pero hindi ko iniisip ‘yan. Pero exciting!” sabi niya.

Abangan…

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

loading...

One thought on “Vilma Santos, excited makalaban sina Nora Aunor at Jaclyn Jose sa pagka-best actress sa mga award-giving bodies

  1. Ano fi, wala namng ibang nag-offer kaya kahit nangungupya ang star cinema sa The devils wear prada, wala din siyang pinili tinangap kahit kopya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.