Vilma Santos, ‘di pinagbabago ng panahon!

NAG-HONG KONG LANG kami sandali kasama ang aming mag-iina ay kung anu-ano na pala ang mga kaganapan.  Iniwasan muna namin ang telepono para ma-enjoy namin nang bongga ang HK with our kids, kaya naman pagdating namin dito, kalokah!

Bago kami tumulak, nabalitaan na namin na binaril at pinagsasaksak ng ‘di pa nakikilalang suspect ang 22-year old na binatang anak ni Don Ramon Revilla kay Genelyn Magsaysay.

Na ang nakakalokah, nu’ng Nov. 1 naman sa Hong Kong na namin na-balitaan na ang diumano’y mastermind ay ang nakababatang kapatid nito na si RJ (Ramon Joseph) at ang sister nito na si Ramona.

Juice ko, sabi ko nga, parang teleserye ang nangyayari.

Tapos, pagdating na namin ng ‘Pinas, nabalitaan na pinatay ang tatay ni Charice Pempengco sa Laguna na nagpatong pa sa ulo ng suspect ng P200,000.

Nabalitaan din namin na namatay na rin ang aming kaibigang director at the age of 68, si Direk Boots Plata na asawa ng talent manager ni Carmina Villaroel at Eric Quizon na si Tita Dolor Guevarra.

Ang aming taos-pusong pakikiramay sa mga Revilla, kay Charice at sa mga naulila ni Direk Butse.

 

GUSTO LANG NAMING batiin ang isang artista na hindi ipinaramdam sa amin kung anong posisyon meron siya ngayon.  Kaya nga love na love namin siya, dahil ever since, mas gusto niyang “ate” ang itawag sa kanya kesa sa “Gov”.

Sino pa nga ba ang aming tinutukoy kundi si Batangas Governor Vilma Santos Recto na ang edad ay hindi na namin itatanong, dahil mortal sin ‘yon. Pero sa amin, si Ate Vi ay hindi pinagbabago ng panahon ang mukha.

Saka ang ugali, in fairness, kahit yata ano ang marating ng taong ito, nananatiling nakatapak sa lupa ang mga paa.

Nakatrabaho ko na ang mga “stars” at si Ate Vi ‘yung talagang she will go out of her way to reach you, kaya nahihiya kami sa kanya pagka gano’n.

Si Ate Vi ay lagi rin naming ka-BBM. At siya rin ‘yung nanay na paalala nang paalala na kami na raw ang bahala kay Luis habang wala siya, kaya nagpapaka-feeling madir naman kami rito kay Luis.

At this point (me at this point pa kaming nalalaman, huh!) ay gusto naming pasalamatan si Ate Vi for being a good daughter to her mom, a good sister to her siblings, a good mom to Luis and Ryan Christian, a good wife to Sen. Ralph Recto, a good public servant to her cons-tituents in Batangas.

And a good person.

Thank you, Ate Vi! Lagi mong iingatan ang iyong kalusugan, dahil kaila-ngan ka pa ng industriya, ng iyong nasasakupan at ng iyong pamilya.

Love na love ko ‘yan, promise.

I’m sure, ganu’n din ang feeling n’yo.

 

BLIND ITEM: ‘DI namin kinaya ang isang tsikang ito. Na kapag masyado na palang kumportable sa isang tao ang isang guwapo at tinitiliang aktor ay hindi na ito nahihiyang mag-bading-badingang lengguwahe.

“Kumusta ka naman diyan, mama? Ano na ang latest?” Ganyan daw palagi ang lumalabas sa bibig nito. Kaya ‘yung ibang kasama ay nagdududa na sa kasarian nito.

Pero sabi naman namin, hindi naman batayan ‘yon para sabihing bakla na ang isang tao.

“Eh, tingnan mo naman ngayon, Ogie, me nabalitaan ka bang girlfriend niya?”

Sagot namin, “Gagah, ‘wag ka nang lumayo. Ako nga, me asawa pa at apat na anak, ano, barako na ba ang dating ko sa ‘yo?”

Natawa na lang ang aming kausap. At tinanong pa namin ito kung type ba niyang mahada ang aktor na ‘to?

“Oo naman, ‘teh. Ang gwapo, ‘no!”

“O, kaya ‘wag mo nang pagdudahan, dahil kahit bading pala, gusto mo pa ring hadahin, choosy ka pa!”

Hay, naku… ‘eto naman ‘tong mga ‘to, sa siyudad naman nakatira, ba’t tsumu-choosy pa!

O, siya, ‘eto na ang clue. Ang initials niya ay nasa first six ng alphabet.

Ang dali, ‘no?

 

CONGRATS SA BUMUBUO ng Praybeyt Benjamin dahil sa unang walong araw ay pumalo na ang total gross nito sa P200M! Kalokah! Kaya feeling namin, aabot din ito ng P250M o higit pa.

Nangangahulugan lang na talagang si Vice Ganda na nga ang ‘The Unkabogable Star’.

‘Pag nilampasan pa niya ang No Other Woman, saang category kaya siya kabilang? Box-Office… King or Queen?

 

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

22 thoughts on “Vilma Santos, ‘di pinagbabago ng panahon!

  1. I AGREE, VELMA WAS SO INSECURE WHEN NORA CAME BACK THAT SHE SUMMONED ALL FAGGOT REPORTERS CLOSE TO HER IN BATANGAS NO LESS!!! SHE CAME A LONG WAY AND STILL FELL SHORT, WAY FAR OF ECLIPSING NORA THE SUPERSTAR AS THE MOST CELEBRATED AND TALENTED ACTRESS OUR COUNTRY HAS EVER PRODUCED. VELMA’S ACTING IS COMPARABLE TO MELAI CANTIVEROS AND VICE-VERSA………HAHAHAHA……….NORA NUMBER 1 AND VELMA FOREVER NO. 2!!!!!!!!!!!!!!!!!

  2. lets admit it, that Vilma was, is and always be the star for all seasons! no doubt , considering all her accomplishments. Beyond compare na sya kay Miss Nora Aunor dahil si Vilma has come a long way na since their rivalry years n years ago…

  3. so obvious this people r gays, the way they talked like this mass prince and put3.dont u gays feel horrible about what r u saying. it only tells one thing no good education. sorry i apologized.

  4. HAYUP TAMA KA NORA FOREVER………………………………………………………………..LAOS!!!!!!!!!!

  5. ang cheap naman ! queenstar! ano iyan pandmonay na may palamang mantikilya! Ang tanga talaga nitong si ampoloquio! cheap!

  6. wala yatang mga Noranians na bumabasa sa article ng idolo nyo…..mwaaaa….pero pag kay Nora maraming Vilmanians ang nag-cocomment….mwaaaa

  7. si shebie lang ang noranian na naknakan ng shonget kamukha ni shebie.  hahahaha.  we love you ate vi.  you’re the one and only STAR FOR ALL SEASON.

  8. I LOVE YOU ATE VI…MY IDOL FOREVER…QUEEN FOR ALL SEASON…OUR DEAREST GOV…
    MORE POWER…GOD BLESS YOU AND YOUR FAMILY…KAILAN MAN DI KA NAGBAGO…KAYA
    PATULOY ANG BLESSING SA TAONG TULAD MO NA MAY PUSONG PANG MASA…MABUHAY KA ATE VI…!!!

    MALAYO NA ANG NAABOT MO VICE GANDA…CONGRATS !!! GOD BLESS YOU !!!

    GOD BLESS YOU OGIE…
    MORE POWER !!!

    LOVE AND PRAY,
    MAMA ONSE

  9. Last Nov. 3 ay birthday ng aking idol na si Ate Vi. Nanood ako ng mga old movies ni Ate Vi through Youtube. Kaysarap ng feelings kapag nanonood ako ng pelikula or tv kapag si Ate Vi ang feature or bida. Mabuhay ang ating idol na si VILMA SANTOS.

  10. Basta ako forever Vilmanian. Ipinanganak akong Vilmanian, mamatay akong Vilmanian. Mamatay sa inggit ang mga Noranians dahil malayong-malayo na si Ate Vi kay Nora Aunor sa lahat ng aspect. Inis-talo kayong mga Noranians. Happy Birthday my dear Ate Vi.

  11. HAPPY BDAY SA FOREVER NUMBER 2 NA SI VELMA!!!!!!!!!!!!!!KASI ANG NO. 1 AY SI NORA AUNOR FOREVER!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

  12. Thanks for this great article Ogie at hindi naman po kataka-taka kung bakit siya ang iniidolo ng karamihan sa mga kabataang artista.  Siya lamang ang tumatatak sa kanilang isipan at wala ng iba pa.  Kaya the title Queenstar for All Seasons fits Ate Vi to a T.

  13. we love vilma santos! wala na’ng iba pa….belated happy birthday sa longest reigning moviequeen ng pilipinas….thank you ogie!

Leave a Reply

Your email address will not be published.