Villar: Drilon, ‘Di pa 100% sa Senate Presidency

MISMONG ANG pangulo ng Nacionalista Party na may pinakamaraming kasapi sa Senado ang nagpahayag na hindi pa nakakatiyak si Sen. Franklin Drilon na maging 100 porsiyento na maging pangulo ng Senado sa 16th Congress.

Ayon kay Nacionalista Party president na si Sen. Manny Villar, bagama’t may general agreement sila na mananatili ang coalition ng NP at Liberal Party, ngunit nakasalalay umano sa limang miyembro ng kanyang partido ang pagpili ng susunod na Senate president.

Mistulang nagbabala pa si Villar laban sa nanganga-rap na maging pangulo ng Senado tulad ni Drilon na dapat ayusin at i-satisfy nito ang mga kasapi sa hatian ng committee chairmanships.

Kasabay nito ay nilinaw ng outgoing senator na hindi ang Nacionalista Party ang nagde-demand ng committee chairmanship kundi ang preference ng individual members na kinabibilangan nina Sen. Bongbong Marcos, magkapatid na Senators Alan at Pia Cayetano, Sen. Antonio Trillanes at misis na si Senator-elect Cynthia Villar.

Binuksan din ni Villar ang posibilidad na maaring magtalaga rin ng kandidato ang NP bilang pangulo ng Senado lalo’t lahat sa mga kasapi nito ay may kakayanan umano na pamunuan ang Senado.

Samantala, nilinaw ng mambabatas na wala pang nakikitang mabigat na problema sa hatian ng committee chairmanship kaya’t mananatili umano ang NP sa administration coalition.

Maaalala na si Drilon ang inilulutang na kandidato ng Malacañang sa Senate presidency kung saan “in the bag” na umano dahil mayorya sa administration coalition ang nanalo sa nakaraang senatorial elections.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.