Villafuerte Vs ‘Sex-For-Fly’ Victims, Nagharap na

NAGHARAP NA ang mga biktima ng umano’y “sex-for-fly” scheme at ang kontrobersyal na assistant labor attache ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Riyadh na si Antonio Villafuerte.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senado, kahapon ng umaga, isiniwalat ni “Angel” ang paghihirap na dinanas niya sa kamay ng ilang kapwa-Pilipinong inasahan niyang kakalinga sa kanya mula sa mapang-abusong amo.

Nakaranas aniya siya ng verbal abuse kay Villafuerte. Pinabulaanan naman ng opisyal ang mga akusasyon ng overseas Filipino worker (OFW).

Sunod nito, lumantad si “Michelle”. Inalis niya ang kanyang takip sa mukha at sinabi kay Villafuerte, “Ngayon Mr. Villafuerte, naaalala n’yo po ba ako? Naaalala n’yo po ba ‘yung ginawa n’yo sa ‘kin?”

Maaalala na sinabi noon ni “Michelle” sa DZMM ang mga “indecent proposals” sa kanya ng opisyal.

Sa Senado, ipinakita ni “Michelle” ang text sa kanya noon ni Villafuerte kaugnay ng mga “salungsu” at “salungki” o underwear mula sa opisyal.

Inamin din ni Villafuerte ang tungkol sa text pero sinabing nagpabili lang ng underwear ang OFW.

May isinalaysay pang pagkakataon si “Michelle” kung kailan tinangka siyang halayin ng opisyal.

Samantala, bukod kay “Michelle”, may isa pang “Analiza” at inaasahang magbibigay ng pahayag laban kay Villafuerte.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.