Vietnam Defense Minister, Bumisita sa ‘Pinas

BUMISITA SA Pilipinas si Vietnam Defense Minister General Phung Quang Thanh.

Dumating noong Agosto 25 si Thanh at umalis din kahapon.

Base sa pakikipagpulong ni Thanh kay Defense Secretary Voltaire Gazmin, napagkasunduan ang pagpapaigting ng tulungan sa pagitan ng ating bansa at Vietnam sa panahon ng kalamidad.

Nabanggit din sa pagpupulong ang isyu ng territorial dispute sa West Philippine Sea.

Samantala, taong 2010 nang pumasok sa defense cooperation agreement ang dalawang bansa.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.