Video ng Abusadong Propesor, Kumakalat

ISA NA namang video ng pananakit ang kasaluku-yang kumakalat sa mga social networking site.

Lumalabas sa kuha ng Youtube user na si “annamae macayan,” makikita ang nagpupuyos sa galit na propesor na pinaghahampas ang isa umanong estudyante niya.

Makikita rin sa nasabing video na in-upload noong Enero 6, na inambaan pang hahampasin ng arm chair ang umiiyak na estudyante.

Base sa video description, sa Montessori Professional College sa Pasay naganap ang naturang insidente.

Samantala, umabot na sa 23,233 ang views ng nasabing video habang nasa 3,907 na ang shares nito sa Facebook.

Sari-saring galit naman ang makikita sa mga komento ng naturang video.

“Hindi matututo ‘yang prop na ‘yan kung hindi sinapubliko ang baho n’yan. Inawat nga siya, pero gagawin at gagawin din n’ya ulit ‘yan. Malaki na ang kaparusahan nito pagkatapos mahuli ‘to sa bidyo. Mas malinaw na pagpapakita ng baho, mas malaking parusa at mas malaking hustisya sa estudyante,” ayon kay Youtube user CorrectSuspicion.

“Is this how a teacher should act on his students? talking about being professional,” ani Youtube user 1724joshua.

“Lot of cases can be used againts him, ipaglaban ninyo karapatan n’yo bilang student at bilang tao! Dalhin ‘yan sa CHED at sa Women’s Desk,” ayon naman kay Allan Sampang.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.