Video karera, naglipana sa QC

ISANG VIDEO KARERA king sa Quezon City ang gumagamit sa pangalan ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Rico Puno na umano’y malakas daw ito sa nasabing opisyal.

Ayon sa source na ayaw magpabanggit ng pangalan, ang video karera king ay nagngangalang “Dakni” ng Brgy. Talipapa, Novaliches, Quezon City.

Napag-alaman mula sa source na lahat ng mga nagmamay-ari ng video karera machine sa Lungsod Quezon ay dumadaan kay Dakni upang manatili ito sa kinalalagyan.

Sinabi pa ng source, ang mga video karera machine sa Lungsod Quezon ay may kanya-kanyang lugar na kinalalagyan.

Binanggit pa ng source, na si Dakni ang bahala sa mga opisyal ng gobyerno upang magkaroon ng proteksiyon ang mga nasabing iligal na makina.

Kabilang umano sa ipinagmamalaki ni Dakni ay si Usec. Puno ng DILG na kilala n’ya ito kaya hindi kayang ipatigil ang kanilang negosyo kahit ito ay iligal.

Samantala, patuloy namang inirereklamo ng mga magulang ng mga residente ng Lungsod Quezon ang patuloy na pagdagsa ng video karera machine sa buong lungsod partikular sa Novaliches.

Bukod sa video karera ay ginagawang tambayan din ng mga lango sa droga ang kinalalagyan ng mga nabanggit na makina na lubos na mapanganib sa mga bata, partikular sa mga mag-aaral.

Kadalasan pa, ang mga parukyano ng video karera ay mga mag-aaral mula sa elementarya at high school galing sa iba’t ibang paaralan sa Novaliches. Dahil dito, marami sa mga bata ang hindi nakakatapos sa kanilang pag-aaral dahil sa pagkalulong sa naturang bisyo.

Nagtatanong pa ang mga residente ng lungsod, lalo na ang mga magulang. Bakit daw hinahayaan ni Mayor Herbert ‘Bistek’ Bautista na maglipana sa lugar ang video karera? Hindi raw puwedeng sabihin ni Mayor Bistek na wala siyang alam sa mga iligal na gawaing ito. Kaya naman nagdududa na ang ilan sa kawalan ng aksiyon ni Mayor Bistek.

Bukod dito, ginagamit umanong front ni alyas Dakni ay ang kanyang videoke bar (Miss QC) na matatagpuan sa Mindanao Ave., (C5) Brgy. Sauyo, Novaliches, Quezon City.

Ang nasabing videoke bar ay isang front din umano sa prostitusyon dahil sa pagkakaroon nito ng mga VIP room, kung saan doon nagaganap ang kalaswaan sa pagitan ng mga babae at kanilang mga parukyano.

(JOEL O. AMONGO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Video karera, naglipana sa QC

  1. Pingback: Video karera, naglipana sa QC – The best way to stay tuned to social networking's many advantages

Leave a Reply

Your email address will not be published.