Victory ni Vice, Gandang Horsepower!

KAKAIBANG HORSEPOWER NGA ang ipinamalas ng Petrang Kabayo sa takilya, kaya naman expected na masungkit ng ‘Punchline Queen’ na si Vice Ganda ang ‘Box-Office King’ next year! Kahit nga ang typhoon signal ni Juan, ‘di kinaya ang horsepower ni Vice Ganda! At siyempre pa, hindi naman makukumpleto ang selebrasyon sa pagsipa sa box-office ng launching movie ng Showtime resident judge, kung walang victory party.

Iyon naman ang ibinigay ni Viva Entertainment’s big bosses Vic del Rosario, Vincent del Rosario and Veronique del Rosario-Corpus sa buong cast ng Petrang Kabayo, gayundin sa entertainment press na ginanap last Wednesday, Oct. 20, sa City Best Seafood Restaurant sa Tomas Morato, Q.C.

Sinorpresa naman ni outgoing MTRCB chairman Conzolisa Laguardia si Vice Ganda, at mukhang tapos na nga ang word war sa pagitan ng dalawa, na nag-ugat pa sa pagkakasuspinde noon sa ere ng Showtime.

Siyempre pa, ipinaramdam din naman ng mga taga-Viva at ng cast ng movie ang kanilang victory sa press people. ‘Yun nga lang, hindi naiwasang mag-init ang ulo ni Direk Wenn Deramas nang mapag-usapan ang tungkol sa ‘paninira’ umano ni Jobert Sucaldito sa kanyang pelikula, both in print and in radio. Sana lang, matapos na rin ang sigalot between Direk Wenn and Jobert… para happy na ang lahat, ‘di ba?

By Dani Flores

Photos by Luz Candaba

Premiere Shots
Pinoy Parazzi News Service

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.