Victor Basa, madalas makita sa isang gay bar sa Malate?!

SUPER IMBIYERNA RAW si John Lloyd Cruz sa representative ng Star Cinema matapos nitong sabihing may sakit ang aktor kaya hindi niya nagawang personal na tanggapin ang kanyang best actor trophy sa Star Awards for Movies na ginanap kamakailan.

Mali naman daw kasi ang Star Cinema representative. Kasi naman, nag-perform pa sa ASAP XV si Lloydie noong tanghali kaya naman unbelievable na may sakit nga naman siya.

Ang tsika sa amin, nasa family gathering niya ang aktor. Mas pinili pa niya ang makasama ang kanyang pamilya kaysa sa tumanggap ng kanyang award.

Ang tanong, hindi kaya kasama rin niya si Shaina Magdayao nang mga oras na iyon?

Well, posible.

Anyway, mas maganda sana kung naroroon si John Lloyd para personal na tanggapin ang kanyang tropeyo. Iba pa rin ang experience na iyon.

Hindi naman kaya may iniiwasan si Lloydie kaya hindi siya um-attend?

ANO BA NAMAN itong si Victor Basa. Mukhang hindi siya nag-iingat sa kanyang mga pinupuntahan.

May nakapagtsika sa aming nakita ito last weekend sa isang bar na tambayan ng mga bading sa Malate. Hindi naman nag-iisa ang aktor, may kasama raw itong dalawang seksing babae at ang isa roon ay kanyang tunay na ka-date. Model-model daw ang dating ng dalawang kasama ni Victor nang gabing iyon.

Pero hindi iyon ang issue. Bakit daw mukhang napapadalas ang pagpunta ni Victor sa bar na iyon na puwede na raw maituring na gay bar dahil may mga nagmo-model na lalaki? Kahit na ba hindi naman naka-brief ang mga modelo roon, the mere fact daw na may mga lalaking modelo roon ay hindi pa rin daw magandang tingnan na naroon ang aktor.

Madalas sa bar na iyon ang mga kilalang baklitang fashion designers at event organizers. At karamihan nga raw ng mga nagpupunta roon ay bading, kung hindi silam at macho gays ay berdaderong bading.

Eh, baka naman friend ni Victor ang may-ari ng bar, hindi kaya?

Bilib din naman kami kay Victor kasi mukhang wala siyang pakialam pagtsismisan man siya sa kanyang pagpunta sa ganoong lugar. ‘Yan ang lalaki, walang pakialam!

HOW TRUE NA naimbiyerna ang direktor ng isang campaign sortie dahil sa hindi raw nasunod ang usapan ng bilang ng production number ng Sex Bomb?

Ang usapan daw, six members ng Sex Bomb ang magpe-perform kasama na roon si Rochelle Pangilinan, pero tatlo lang daw ang dumating – sina May, Aifa at Aira.

At hindi rin daw nasunod ang napagkasunduang tatlong numbers ng Sex Bomb. Right after daw kasi ng second performance nito, bigla na lamang daw nagpaalam on stage ang mga hitad.

Sa galit daw ng direktor ng show ay sinigawan niya ang members ng Sex Bomb.

Naku, dapat mag-comment si Joy Cancio rito. True ba itetch, Joy? Pakisagot nga!

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Related Post

loading...

7 thoughts on “Victor Basa, madalas makita sa isang gay bar sa Malate?!

  1. sabi nang mga kaibigan ko, nung saturday nasa bed si Divine at Victor pero big group. binayaran ba sila TF to be there? baka naman publicity ng BED, to good to be true na sila na. D ba si Vic may gf na babaita? iwan nya na!!!! kung si divine majojowa nya!

  2. Divine at BED? with Victor Basa? dapat event yan ha! Why didn’t you guys announce? dapat naningil pa event entrance! Cute kaya sila together! dalawang pantasya ng bakla together? why not? sigurado ba kayong BED, kasi walang gay bar sa Galeria…

  3. Si divine lee nga yun! i saw them in Galerria! Penshoppe. mukhang si Victor naghahabol. kasi umiiwas si Divine sa yakap ni Victor. pero jackpot si victor if makuha nya yan si Divine-madatung at maganda. eh di pag pyestahan sya ng bakla at babae! so sino ba may alam ng status nila?

  4. Si Ivanka Trump ng Pinas ang nililigawan ni Victor (na mahilig at paborito ng mga bakla) SI DIVINE LEE. Must be love, kung sumama sya sa gay bar. NAKITA KO SILA!

Leave a Reply

Your email address will not be published.