Victor Basa, ‘di napigilang patulan ang basher ng GF na si Divine Lee

BLIND ITEM: Saanmang anggulo namin sipatin ang young actress na ito, she hardly shows any slightest sign na pumapatol din pala siya sa lalaking meron nang pananagutan sa buhay. Worse, siya pa itong dumadayo sa kanyang azucarera de papa cum politico itsurang naninirahan ito sa malayong lalawigan sa Norte.

Minsan nang ipinadaan ng misis ng pulitikong ‘yon ang kanyang babala sa manager ng aktres, buking na kasi nito ang nasabing illicit affair. Nagbanta ang misis na kung hindi pa raw tatantanan ng aktres ang kanyang mister, she had no other recourse but to scandalize the latter.

Lalo pang nagngitngit ang misis upon her discovery that her husband has acquired a condotel unit somewhere in Ortigas na nagsisilbing love nest ng kanyang asawa at ng batambatang catch nito. Yet, despite the wife’s stern warning, patuloy pa rin daw ang presensiya ng aktres sa kanilang lugar, shuttling between Manila and the northern province.

Da who ang young actress na ito na produkto ng isang artista search? Isyogo na lang natin siya sa neymsung na Natasha Samantha.

 

WHO SAYS that among our local celebrities, ang pinakamapagpatol sa Twitter ay si Sharon Cuneta most specially when it comes to brickbats against her daughter KC Concepcion?

Isama na rin natin sa listahan si Victor Basa, hindi niya kadugo ang minsan niyang ipinagtanggol sa Twitter against a basher, kundi ang kanyang kataling-puso, and girlfriend of four years na si Divine Lee.

Makatwiran ang pagkadismaya ni Victor, ulat ‘yon sa teleradyo ng DZMM kung saan iginigiit ng isang news anchor sa naturang programa si Divine bilang sangkot din sa Globe Asiatique scam just because she’s the daughter of Mr. Delfin Lee who caused it all.

Ginawang reference ng tagapagbalitang ‘yon ang dokumento that dragged Divine’s name as the CEO (chief operating officer) of Globe Asiatique, gayong ang totoo naman pala, Divine held a key position in an association outside her father’s business entity.

Nagkataong on board din daw nang araw na ‘yon ang pamosong broadcast journalist na si Karen Davila. Misinformed, she was tweeting for about six hours ang pagkakasangkot ni Divine sa naturang large-scale estafa. Sa puntong ‘yon na raw humulagpos ang emosyon ni Victor in defense of his girlfriend.

Malayo raw sa pagkapikon ang naramdaman ni Victor, he simply had to tweet Karen back, “Relax ka lang,” based on the incomplete details sa ini-ere nilang balita. In fairness though, Karen budged and apologized.

On Divine’s end, for as long as she knows in her heart of hearts na wala siyang anumang pananagutan sa umano’y kasalanan ng kanyang ama, life goes on. Patuloy rin ang buhay para kay Victor who has come full circle: having begun his career with ABS-CBN, napunta siya sa TV5, and now, he’s happy to have found a new home in GMA.

 

UPON THE invitation of Sylvia Sanchez, um-attend kami ng intimate birthday fete ng kanyang anak na si Arjo Atayde at Pasto in Greenhills last Monday. Intimate in the sense that it was unexpectedly star-studded, only family members and a select group of reporter-friends were in attendance.

Medyo nabawasan ng timbang si Arjo, thanks to his three months of strenuous exercise as required in his upcoming teleserye in ABS-CBN, ang Dugong Buhay. Physically demanding kasi ang role ng binata nina Art Atayde at Ibyang.

Meanwhile, Arjo is pinning his hopes (not necessarily expecting) dahil dalawang nominasyon sa Star Awards for TV ang kanyang nasungkit: ang Best New Male TV Personality at Best Single Performance (in Maalalala Mo Kaya?’s Bangka episode).

Quite an achievement to think na nitong February this year lang pumalaot si Arjo sa showbiz who obviously inherited his acting genes from his mother. Speaking of Ibyang, extended until April ang Please Be Careful with My Heart, perhaps the longest-running non-primetime soap in the history of Philippine TV.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

2 thoughts on “Victor Basa, ‘di napigilang patulan ang basher ng GF na si Divine Lee

  1. Hay Victor, bakit may nalalaman ka pa kasing GF GF. Sabagay, kaligayahan mo yan. Pero hahanap hanapin mo rin ang mga lalake.

Leave a Reply

Your email address will not be published.