Victor Basa, aminadong wala pa ring marka sa showbiz

Victor-BasaAMINADO ANG hunk actor at model na si Victor Basa, na hindi pa talaga niya napapatunayan sa showbiz ang gusto niyang pruweba para makuha na niya ang marka ng kanyang pangalan bilang artista. Natuwa nga siya, dahil napansin siya sa huling teleserye na kanyang ginawa sa GMA 7, ang My Husband’s Lover dahil marami ang humanga sa pagganap niya bilang bading na hindi sobrang ladlad, pero hindi itinatago ang damdamin ng pagka-silahis.

“Bilang artista, ganu’n ang gusto ko, eh. I mean, ‘yung minsan ay makakasama ka sa isang project, na magugustuhan pala ng mga tao. Sa ngayon, naroon pa rin ako sa pag-amin na sobrang gusto ko talagang dumating ‘yong bago ulit role sa isang project, na mapapansin ulit ako,” wika ni Victor.

Bilang endorser naman, mapili rin si Victor sa quality ng mga produkto na kanyang tinatanggap. Bilang bagong modelo ng Cotton Club na kinabibilangan din nina Aljur Abrenica, Ria Garcia at Jason Abalos, proud si Victor na ang nasabing kumpanya ay nakatanggap ng Asia’s Seal of Product Quality Excellence Awards na ginanap nu’ng April 4 sa Luxent Hotel.  “Bilang model, saludo ako sa mga produktong tumatagal ang tibay, kasi pangalan ko rin ang masisira kung sablay ang quality,” katuwiran ni Victor.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

2 thoughts on “Victor Basa, aminadong wala pa ring marka sa showbiz

Leave a Reply

Your email address will not be published.