Victor Aliwalas, kapalit ni Willie Revillame sa puso ng ex-wife!

ANG MODEL-ACTOR NGA kayang si Victor Aliwalas na ang ipinalit ni Liz Almoro sa ex-husband nitong si Willie Revillame?

Nakitang nakikipag-dinner date at “sweet-sweetan” sina Victor at Liz sa dining hall ng Manila Peninsula Hotel last week.  Isang nagtatrabaho sa naturang hotel ang aming source ng nasabing balita.

Hindi pa nga matumbok ng aming impormante ang name ni Victor Aliwalas, pero nang i-describe niya ang hitsura nu’ng hombre, nasapul namin ang name ng hunky (at hairy ang chest, ha-ha!) na newcomer.

Sigurado siya sa kanyang nakita na ito nga raw ang model-actor na lumalabas-labas na sa GMA shows na napapanood niya, at sa mukha ni Liz na naging controversial dahil hindi nagtagal ang pagsasama nito with equally-controversial host na si Willie nga, dahil after nila ikasal, ilang panahon lang ay split na sila.

“Ang sweet nila habang nagdi-date, nagsusubuan pa ng ice cream na desert nilang inorder!” Chika ng aming eye-witness source na non-showbiz. And for us, mas pinaniniwalaan talaga namin ‘pag hindi taga-showbiz ang naghahatid sa amin ng chika, dahil wala itong ilusyong mang-intriga lang.

Hmm… alam kaya ni Willie na si Victor na ang ipinalit sa kanya ng ex-wife na si Liz?

Si Victor ay unang napanood sa Marimar. Siya rin, along with Rhian Ramos, ay nag-win recently as Model Star Citation sa Asia Model Festival Awards rites in Korea.

Well, wala rin namang masama if maghanap ng ibang lalaki si Liz after her failed marriage with Willie na vocal din sa pagsasabing hanggang ngayon ay wala pa ring makitang babaeng magmamahal sa kanya, that is his statement on his Wowowee show, anyway.

Kung friendly date kasing maituturing ang dinner date na ‘yon nina Liz at Victor, puwedeng magsama sila ng friends, at hindi na kailangang magsubuan pa ng ice cream at sweety nga raw, na tipong walang mga pakialam sa kapaligiran, makita man sila ng publiko.

Hindi pa rin masyadong nae-explore sa TV talk shows ang lovelife nitong si Victor, so hindi pa batid ng publiko kung may syota ba ito ngayon o may nililigawan. Or kung sakaling sa pagputok ng chikang ito eh, mag-deny siyang naka-date niya si Liz sa Manila Pen, eh, siya na lang ang magdadala ng kasinungalingan niya, huh! Ha-ha-ha!

Pero kung may “pumatol” mang talk-show na tanungin si Victor at umamin sa nasabing date with Liz, mas hahangaan namin siya for his honesty.

Kung anuman ang maging reaksiyon ni Willie – na malamang ni hindi pa nito kilala si Victor or napanood man lang on TV – ‘yun ang masarap abangan!

Kung na-in love din sina Victor at Liz sa isa’t isa, let’s give it to them. ‘Wag na lang sanang mag-deny, huh! Ha-ha-ha!

FABULOUS AT BONGGACIOUS na grand launch ng TV5 (trade launch for advertisers and engrandeng presscon) ang ginawa sa World Trade Center last week, at tinawag na nga ngayon itong Kapatid Network.

Pinakapatok sa amin ang sort of tribute ni Tuesday Vargas sa idol pala nitong si Maricel Soriano. Saludo kami sa gumawa ng nakaaaliw na script ng stand-up comedy skit na ‘yon ni Tuesday, na solong nasa gitna ng stage, habang nasa likod ng entablado ang Diamond Star.

From Marya’s Shake Body Body Dance moves, to titles ng marami nitong past films, kering-keri ni Tuesday ang pagpapatawa, pagsayaw, at pagkanta na very Maricel. Sana nga lang, for us, mas dapat na isinama na rin si Maricel sa stage, kahit sa gilid, nang makita ng tao ang reaction niya for that wonderful tribute.

Kaso, sa backstage nga lang na-watch ni Marya ang performance ni Tuesday na sobrang “honored” daw sa paggawa nito para sa kanyang idol. Teary-eyed pa nga ang hitad na Tuesday nang yakapin ito ng idolo at halos hindi makapagsalita nang kasama na niya onstage.

Mellow Thoughts
by Mell Navarro

loading...

4 thoughts on “Victor Aliwalas, kapalit ni Willie Revillame sa puso ng ex-wife!

  1. ayos lang yan pare..maganda naman at may asim pa naman si liz…kaysa naman patulan mo yung mga raffle girls ni willie na sumasayaw sa rally ni manny v. tulo laway namin..kaya maraming manyak sa rally ni mannv v eh baka sakali iparaffle ni willie ang mga wowowee dancers nya tulad ng ginawa nya kina luningning, milagring..tuwing bday ni willie

  2. Victor why are you hoking up with Willie’s sloppy seconds? you deserve a better girl…ME! hehehe

Leave a Reply

Your email address will not be published.