Victor Aliwalas, Isa sa mga Assets ng Siyete

MASASABING ISA NA sa mga assets na maipagmamalaki ng Kapuso Network bilang isang mahusay na aktor si Victor Aliwalas. Hindi lang pala ang kahusayan sa pag-arte ang kanyang talento kundi husay rin nito sa hostings lalo pagdating sa mga beauty pageant, talent search at iba pang contest.

Unang nakilala sa showbiz si Victor sa teleseryeng Marimar na pinagbidahan ni Marian Rivera. Ang pagpasok niya rito ay isang pagsu-bok sa kanyang kakayahan sa pag-arte. Hindi naman nagkamali ang GMA Artist Center sa pagkuha sa kanya. Ikinuwento ni Victor na mismong si Ms. Ida Henares (GMA Network Asst. VP and VP for Drama) ang nagbigay sa kanya ng project.

Mga simpleng role pa lang ang naibibigay sa kanya nguni’t marami at may saysay. May mga naging movie na rin siya at mahahalagang role ang kanyang ginampanan, katulad ng Best Friend’s Girlfriend, Tween Academy at marami pang iba.

Sa mga teleserye naman ay nakasama siya sa Gaano Kadalas Ang Minsan, Kaya Kong Abutin ang Langit at kung saan pa. Ngayon naman ay kasama na naman siya sa bagong teleseryeng panghapon ng Kapuso, ang Ikaw Lang Ang Mamahalin, by director Roderick Lindayag. Ang remake na istorya ng Kapuso sampung taon na ang nakararaan ay kaugnay ng selebrasyon ng ika-sampung taong tagumpay ng mga pangunahing teledrama ng Kapuso.

Gagampanan ni Victor ang role bilang si Rommel, ang trusted friend ng pangunahing bida na si Ferdinand (Gardo Versoza). Makakasama rin niya sina Tanya Garcia, Sheryl Cruz, Matet de Leon, Ehra Madrigal, Ernie Garcia, Maricar de Mesa, Karla Estrada, Joko Diaz, Shirley Fuentes, Ella Cruz at Ms. Carmen Soriano. Pangunahing tauhan naman sina Barbie Forteza, Joshua Dionisio, Joyce Ching at Kristoffer Martin.

Guwapo at matipuno ang pangangatawan ni Victor, kaya naman minsan na siyang nanalo ng best award sa Hot Male Asian model competition, at panalo rin sa iba pang rampa-hang sinalihan. Nguni’t hindi paseksihan ang nahiligan niya pagdating sa pag-arte. Mas gusto umano niya ang action kung mabibigyan siya ng break. Bagama’t inamin niya na hindi siya marunong sa martial arts ay kakayanin niya ang action dahil dream role niya ito.

Mas magiging busy na siya ngayon dahil sa mga tapings at pag-asikaso na rin ng kanyang business na B.C. Media Ink Group, siya ang associate publisher ng isang magasin. Bukod pa sa mga guestings sa network ay busy rin siya sa mga hostings. Halos wala na rin siyang time sa kanyang hilig na maglaro ng golf.

Wala na raw umano siyang time sa kanyang lovelife, bagama’t mayroon siyang non-showbiz girlfriend na more than one year na sila ay nauunawaan naman daw nito ang kanyang sitwasyon. Hindi ito mapaghanap kaya tumatagal ang kanilang relasyon. Mahalaga rin sa kanila ang tiwala sa isa’t isa at higit sa lahat ay ang compatibility. Minsan na rin daw siyang umiyak sa isang babae, ngunit dito, kung sila na talaga ay baka matupad na ang kanyang dream na beach wedding.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.