Victor Aliwalas at Liz Almoro, ‘di na itinatago ang relasyon!

PILIT MAN NAKIKISABAY ang TV5 sa mga shows ng ABS-CBN at GMA-7, palagi silang bigong makakuha ng mataas na rating. Mga teleseryeng hindi nagtatagal dahil sa kakulangan ng impact sa manonood at publicity. Kadalasan, hindi pa natatapos ang first season, tsugi na ito sa ere.

Mahina yata ang PR Department ng TV5 sa pagpo-promote ng kanilang mga shows. Tinitipid ang budget ng entertainment press (P1,000) at kung minsan pa, gift check na ka-cheapan kaya naman tipid din ang publicity na ibinibigay ng mga ito sa nasabing network.

May nakausap nga kaming kapatid sa panulat na taga-TV5, mismo nga silang nasa bakuran na hindi naiimbita ng PR Dept. Sa madaling salita, hindi friendly ang PR ng TV5. Sabi nga, may sariling group of writers lang silang iniimbita. Sorry ka na lang, hindi ka ‘belong’ maging Kapatid nila!

Pagdating sa TF ng mga stars, bonggacious magbayad ang TV5 lalo na sa kanilang mga contract stars, pero pagdating sa movie writers, barya lang ang ibinibigay sa mga ito.

Sa totoo lang, hindi nagrerehistro sa isipan ng publiko ang mga teleserye ng Singko kahit sikat na artista pa ang mga nagsisiganap. Tanging ang game show na Wil Time Bigtime ni Willie Revillame, Face to Face ni Amy Perez at talk shows ni Cristy Fermin na Juicy at Paparazzi ang umaarangkadang palabas ng Kapatid Network. ‘Yun lang.

 

OPEN NA ANG relasyong Victor Aliwalas at Liz Almoro (ex-wife ni Willie Revillame). More than a year na pala ang kanilang relationship na nu’ng una itinatanggi pa ng dalawa. Pero ngayon, proud na ikinuwento ng model/actor na ‘yung kay Liz ang pinakamatagal at seryoso niyang relasyon. Karamihan sa kanyang naging girlfriend ay tumagal lang ng months or almost a year. Kay Liz, they easily get along and they have many things in common. Open daw kasi ang kanilang communication, pinag-uusapan nila kung anuman ‘yung problemang dumarating sa kanila.

Ayon kay Victor, “Maganda ang relationship namin, I have no complaint. I discovered that she used to be a sportswoman. She was in into sports when she was in high school and college. Sportsman din ako like Liz. She’s also a very adventurous person, love to travel and go to different places. Ganu’n din ako. We’re both into fashion as well, kaya there are so many things that made the two of us click. It’s fascinating and we learn a lot from one another,” say ng binata.

Pinuri rin ni Victor ang pagiging mother ni Liz sa baby nila ni Willie Revillame na si Juamee. “Liz is such a wonderful woman. She can handle everything and still have spare time for our relationship. I don’t know how she do it. I know how busy she is with her career and business. But she never loses time for her son. She seems to balance everything. Not all women are that good with time management. Tipong na-master na niya lahat. That’s what I like about her. She’s in control of her life,” papuring sabi ni Victor.

Sinabi rin ni Victor na wala pa silang planong magpakasal ni Liz. Ini-enjoy muna nila ang isa’t isa. “Liz has been married before and she knows what that life is all about. Me naman, never pa and I need to be prepared emotionally and financially if I want to really settle down. Wala pa kami du’n, but I am working hard to get there. Gusto ko kapag nagyayaya na akong magpakasal, I’ve already made something out of myself. I want to be able to reach a certain standard and to be proud of what I have achieved. What my parents always tell me is that I should settle down if I know it’s the right time. It’s better to be ready for everything,” turan niya.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

8 thoughts on “Victor Aliwalas at Liz Almoro, ‘di na itinatago ang relasyon!

  1. At bangis blue, ikaw ang echoserang beki!!!!! Anong ibig mong sabihin na nagsimula pa lang, Halos isang taon na yong juicy nyo pareho pa rin ang ratings, candle stick pa rin dahil kay fermin. Kung patalsikin si Cristy Fermin at lagyan ng bagong host yong juicy, pretty sure the ratings will go up, no doubt about it!!!!! In my own opinion Fermin is the jinx in that show kaya hindi umangat ang ratings ng juiceless nyo bangis blue and tan. Gamitin nyo ang mga utak nyo.

  2. hoy bangis na blue, at bangis na tan, hahahahaha, oo nga may ratings ang juiceless, dream on!!!!! Ang tinutukoy ng ukoy na writer na ito ay ang pagmamayagpag sa mga show na pinangalan niya including the Juicy and paparazzi, I agree with the other shows he mentioned but not the last two because it is a downright lie. Oo, kung magsimula nga mababa pa pero huwag i include ang juicy at paparazzi sa ibang show na mini mention ng writer dito na namamayagpag kasi hindi totoo yon. I agree na may mga shows din ang TV5 na mataas ang ratings pero hindi isa doon ang juiceless nyo at for your info bangis blue and bangis tan, I’m a number one fan of Eat Bulaga at sa ibang shows nila Joey at Vic at pinanood ko rin yong ibang shows ng gma7. Why are you guys so defensive about my say with the juiceless ratings, ang tagal na ng juicy, hindi pa ito umaarangkada is what I’m saying, kahit anong time slot na ine expirement ito inilagay wala ring modo ang rating na nakuha kaya huwag kayong bulag bulagan. At ikaw bangis tan, die hard tv5 ka, at hindi korekkorekok dahil walang modo pa rin yong juiceless show na station mo. Ilagay mo yan sa utak mo.

  3. hoi maria may ratings din ang juicy at paparazzi ndi lang kasing taas na kagaya ng fav.network mo ganon talaga nagsisimula pa lang at least kahit papaano may nag-ratings gaya ng f2f wtbt t3 at iyong kina vic sotto kumpara sa channel 2 nong araw na nagsisimula sila gaya ng sanglinngo na po at kung ano2 pa wlang ratings ako lang ata ang nanonood puro gma at rpn 9 at channel 13 ang matataas na ratings..hahahahhahahahha echoserang beki!!!!!

  4. i would just want to address this comment sa TV5 mismo. im here in bahrain. subscriber ako ng GMA pinoy tv. and glad na napapanood na din ang tv5 d2 thru OSN. maraming basurang show  ang tv5 sa totoo lang tska bakit ganun hindi cla updated sa mga show nila. ang mga teleseryeng pinapalabas pinaglumaan na lik BH, nagbabagang bulaklak, bangis the sisters. eh matagal ng tapos yan eh. tska marami clang hindi pinapalabas d2 like Pinoy explorer, who wants to be a millionaire, T3. bakit ganun. mabuti na lang nsa OSN din cla kundi I’m sure walang magsubscribe ng TV5. paano nyo palakasin ang mga show nyo kung pulos luma nmn pinapalabas nyo. updated lang kyo pagdating sa news other than that luma na lahat.

  5. according agb, Whp wants to be a millionaire, talentadong pinoy, WTBT, isama na ang F2F n T3 lang ang maganda ang rating ng tv5. wag na isama ang juicy n paparazzi noh. kita nmn sa rating na uphindi umangat 1.something ng  rating nila. yung serye ni nora wawa nmn olats na olats. pinapanood ko yan sa internet. the truth is magaganda ang serye nila, my story tlga, mahuhusay ang artista esp ention ang abaeng hampaslupa hooked ako sa story. pero yyyy kya ganun ang nakukuha nila rating. 

  6. Writer Littlefield, what do you mean na umaarangkada ang palabas ng Juicy at Paparazzi sa TV5? Oh yeah? kaya pala palaging dinidribble yong schedule of showing sa juiceless mong show dahil maski saan at anong oras inilabas nila, tig 1 lang ang rating nito. Natatakot ka ba Littlefield kay Cristy Fermin kaya hindi mo masasabi ng diretso na ang Juicy nya ay talagang Juiceless pala ito? Kaya pala ilalagay na naman nila ang Juicy sa almost midnight na dahil wala itong commerical load at walang ROI, nawalan na kasi ng respeto ang mga tao dahil sa unfair reporting ng mga hosts na yan, kaya ayusin mo rin yong panunulat mo Littlefield and tell the truth. Did I sense cowardice reporting here? Don’t say the color of black is red kasi, black is black and red is red and that is the truth. Reporter ka ba talaga.

Leave a Reply

Your email address will not be published.