Vicki Belo, wala nang kawala!

OLA CHIKA! Nakauwi na nga sa bansa natin ang nagmamagandang doktora doktora na si Vicki Belo, kung saan ayaw pa rin nitong magsalita hanggang ngayon sa kontrobesiyal na sex video scandal ek-ek na ‘yan, na sangkot nga ang kanyang dating dyowa na si Hayden Kho at maraming kakabaihang celebrity. Maging ang celebrity doktor nga na si Belo, kasama din daw.

Halos nagkaisa ang pahayag ng mga kaibigan ni Hayden na sina Erick Chua at Bistek Rosario, kung saan itinuturo nga nilang na kay Vicki Belo ang laptop ni Hayden at ang mga original copies ng sex videos.

Hmm… nakakaloka, huh! Ano kaya ang paliwanag ni Belo sa isyung ito. Naku, ha?! Ang daming katanungang nag-aabang sa kanya. Dahil siya nga ang itinuturong nagpakalat ng malalaswang panoorin, bida ang kanyang dyowa. Eww! ‘Yun na!

NAKATANGGAP PO AKO ng e-mail mula sa may-ari mismo ng Renew Placenta, kung saan kinuha nila ulit bilang endorser ng kanilang produkto ang magandang aktres na si Pauleen Luna. Hindi nga ito ang kauna-unahan ng dalaga sa kanila, dahil mula pa noon, si Pauleen na talaga ang endorser nito. At talagang pinatunayan ng Renew Placenta na wala itong kapalit, dahil pati ang kanilang endorser, hindi nila pinalitan. Bonggacious, ‘di ba?!

Ipinadala nga rin sa akin ni Rene ng Renew Placenta sa kaniyang e-mail ang picture ng contract signing ni pauleen, kasama ang Kaparazzi kong si Manay Lolit Solis, Marketing Manager Grace Garcia, at VP for Marketing Joel Almariego! Bongga!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

3 thoughts on “Vicki Belo, wala nang kawala!

  1. Walang kawala saa? Hoy swarding saka ka na mag lagay ng artikulo mo pag may lead ka na ha? walang kwenta..

  2. truelalu! mukha siyang ebak ng kalabaw na tinamaan ng kidlat at kumalat sa mukha ng showbiz!

Leave a Reply

Your email address will not be published.