Vicki Belo, nahuli ni Hayden Kho na may ibang lalaki?!

PARANG TOTOHANAN na yata itong hiwalayan nina Dra. Vicki Belo at Hayden Ko Jr. huh!

Totoo kayang hindi na raw pina-follow ni Hayden si Vicki sa twitter? Wala naman akong ideya sa mga Twitter na ‘yan, pero naikuwento lang sa akin dahil galit na rin daw ngayon si Hayden kay Vicki. Sinasabi raw nitong nahuli nga raw niyang may ibang lalaki na itong karelasyon.

Nasa Amerika pa kasi si Vicki kaya hintayin na lang natin kung talagang desidido na siyang makipaghiwalay. Mag-isa nga siyang nag-celebrate ng Valentine’s Day kasama lang daw nito ang anak niyang si Direk Quark Henares.

Na-interview si Cristalle Henares kamakailan lang at naikuwento nga niyang mukhang seryoso na raw ang Mommy niya na makipaghiwalay kay Hayden. Nakita raw niyang apektado nang husto ang Mommy niya, pero gusto na raw talaga nitong makipag-hiwalay.

Kararating lang daw niya nu’n galing Brazil at paalis naman ang Mommy niya pa-Amerika, kaya nu’ng magkita sila, yumakap lang daw ito nang mahigpit sa kanya at iyak daw ito nang iyak. Nakikita raw niyang nasasaktan nang husto ang Mommy niya, pero kailangan na raw niya itong gawin kahit masakit pa sa kanya.

Tingnan na lang natin pagbalik ni Vicki galing Amerika kung ganu’n pa rin ang desisyon niya. O, baka maiba na naman, sila na naman uli, hindi na ako magtataka, ‘day! Good luck na lang!

 

DUMATING NA raw nu’ng Sabado si Grace Lee galing Singapore, dahil gusto raw muna nitong magbakasyon pagkatapos siyang gulu-guluhin ng mga interviews.

Mukha namang enjoy siya sa pagpapa-interview kaya napapagbintangan na siyang daldalera gaya rin ni Kris Aquino. Sino kaya sa kanila ni Kris ang mas madaldal?

Sabi naman ng manager niyang si Arnold Vegafria, kaya nai-interview raw si Grace, dahil hindi naman maiwasan ang mga reporters na nakakakita sa kanya sa mga presscon o ano mang event. Ayaw na raw talaga niyang magsalita pa kapag tungkol kay P-Noy, kaya umiiwas na raw talaga ito.

Pati pala ang magulang ni Grace ay nagugulo na rin, kasi pinupuntahan na raw ito ng mga reporters sa tindahan nila sa Pasig. May Korean store pala sina Grace na matagal na nilang binabantayan. Ang Mommy raw nito ang madalas na nagbabantay, pero ngayon panay raw ang tago nito para makaiwas lang sa mga gustong mag-interview.

Pinuntahan nga ng reporter namin sa Startalk, at namataan daw nila na nandu’n sa loob ng store ang Mommy ni Grace. Pero nang nakita nito ang reporter namin, biglang lumabas na raw ito ng store at hindi na nagpakita. Kaloka!

Hindi raw talaga ito nagsasalita, dahil ayaw niyang magkomento tungkol sa pagkaka-link ng anak niya sa presidente. Bukod pa riyan, hirap din daw itong magsalita ng Tagalog, kaya ayaw niya talagang magsalita. Talagang nagulu-gulo na ang buhay nila. Pero in fairness naman, tumaas na raw ang talent fee ni Grace dahil diyan. Dumami pa ang endorsement niya, kaya ganu’n talaga ang buwelta, ‘di ba?

‘Di ba siya na raw ang endorser ng Ever Bilena ni Mr. Dioseldo Sy at kinuha na rin ito ng Bench na mag-endorse ng isang produkto nila. Gumanda naman lalo ang career ni Grace!

 

BONGGA NA rin lalo ang career ni Rocco Nacino, huh! Siya pala ang napili na gaganap bilang Lam-Ang sa isang indie film.

Kahit indie film, malaking proyekto pa rin ito dahil epic film ba naman ito, at malaki ang production budget na first production daw ito ni Vice Governor DV Savellano ng Ilocos Sur.

Kahit medyo puno and schedule ni Rocco, nag-adjust sila dahil gusto raw talaga ng direktor na siya ang gumanap dahil na-impress daw ito nang magpa-audition siya.

Ang ending, sa Holy Week na raw sila magsu-shooting dahil ‘yun lang ang break nila sa taping ng The Good Daughter. Twenty days daw na straight and shooting nila sa Ilocos kaya pinaghahandaan na ito ngayon ni Rocco.

Malaking challenge daw ito sa kanya dahil sa kanya nga napunta ang role, at alam daw niyang marami ang gustong gampanan ito. Kaya may pressure din sa kanya. Pero tingin ko naman kakayanin ni Rocco ‘yan at malaki ang magagawa nito sa career niya.

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

5 thoughts on “Vicki Belo, nahuli ni Hayden Kho na may ibang lalaki?!

  1. bulok ang style, hiwalay effect pra tanggapin si hayden ng mga tao sa pagpasok sa showbiz, d nmn kelangan single si hayden pra makapasok sa showbiz,…d kasi nag-click business nyang scents kaya balik showbiz, lumang style na yan hayden-belo…lokohin nyo lelang nyo….

  2. Aling Lolit paano yan tumatanda na si Madam Belo wala ka ng mahaharbat sa darating na panahon hehehe… Kung tunay na kaibigan ang turing mo sa kanya siguro naman pwede mo siya bigyan ng magandang payo tungkol sa estado niya ngayon na tila yata kalibugan lang ang iniisip at hindi ang kanyang sarili sa darating na panahong matandang matanda na siya. Magbigay ka ng magandang payo ke Madam Belo at hindi yung puro harbat lang hehehe…. 

Leave a Reply

Your email address will not be published.