Vicki Belo, iwas maungkat ang sex video ni Hayden Kho

Vicki-BeloNAKATSIKAHAN NAMIN si Dra. Vicki Belo nu’ng kamakalawa lang, nang mag-treat siya ng lunch sa Romulo’s Café para sa birthday ni Ricky Lo.

Siyempre, interesado kaming malaman kung ano ang nangyari sa pagbabati nila ni Hayden Kho kay Sen. Bong Revilla at Cong. Lani Mercado.

Ayaw magpa-interview ni Vicki dahil mas mabuting huwag na lang daw pag-usapan at hayaan na lang na makalimutan.

Kapag pag-usapan ito, mauungkat na naman ang sex video scandal ni Hayden at pati ang isyu rin ni Bong. Mabuti na raw ‘yung nagkaayos na sila at malaking bagay ‘yung pagsama nila sa Holy Land trip na ‘yun.

May konting kuwento naman si Vicki sa sampung araw na biyaheng ‘yun, at natutuwa siya dahil naging magaan ang lahat at nakita niya kay Hayden ang sincere na pakikipag-ayos.

Natutuwa rin daw siya kay Bong na napakabuting ama raw nito. Sobrang close daw ito sa mga anak niya at nakikita raw niyang mahal na mahal nila ni Lani ang kanilang mga anak.

Nakakatuwa pa raw na nagbigay si Bong ng surprise greeting kay Lani sa eroplano nu’ng pabalik na sila ng Maynila.

Tamang-tama, birthday kasi ‘yun ni Lani, kaya malaking bagay daw ang pagiging malapit nila sa Diyos at itong Holy Land trip nila para lalo silang naging malapit na mag-asawa.

At least masaya na ang lahat, ‘no!

 

NAKAKAALIW PA kay Dra. Belo nang pagbalik niya ng Maynila galing Holy Land, pinagkaabalahan niya ang isang treatment nila na gusto niya sanang i-launch.

Ito ‘yung Femme Lift na mas tinatawag daw ng mga kliyente niya na Pussykip. Sa mga hindi pa nakaintindi, ito ‘yung treatment na pampasikip ng keps!

Nakakaloka dahil ako talaga ang sinabihan niyang i-promote ko dahil ako lang daw ang puwedeng magsabi nu’n at i-share sa mga readers natin.

Ang dami na raw niyang kliyente na mga babaeng kailangan talagang magpasikip ng ari, pagkatapos nilang manganak nang ilang beses.

Siyempre, luluwang talaga ‘yun lalo na sa mga nanganak nang normal, kaya kailangan din nilang magpasikip. Kaya malaking tulong itong Femme Lift na treatment ni Dra. Belo para mabalik ang virginity ng mga babaeng ito. Nakakaloka, ‘di ba?

Gusto raw sana niyang  i-launch ito kung may makuha siyang endorser. Kaya lang, sino naman kaya sa mga female celebrities natin na papayag magpasikip ng keps?

Meron silang pinag-iisipang sikat na komedyante, dahil tiyak na kaya niya itong pag-usapan at aminin, pero ewan ko lang kung tatanggapin niya ito.

I’m sure marami sa mga artista natin ang mag-iisip na magpasikip, kaya lang tiyak na super-confidential ‘yan. Sino naman kaya ang aamin?

Sa mga interesado diyan na magpasikip, maghanda lang daw kayo ng 35 thousand pesos. ‘Yun ang charge nila bawat session.

Malapit na palang i-launch ni Dra. Belo ang bagong endorser niya na isang bonggang artista.

Magkasama sila ni Jennylyn Mercado na mag-launch ng summer campaign ng Belomed. Abangan n’yo ‘yan!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.