Vicki Belo evades issue in the US

HAY NAKU! LUMALALA na itong isyu nina Boy Abunda at Dra. Vicki Belo dahil lang sa interview ng huli sa Showbiz Central nung nakaraang Linggo.

Nung nakausap ko si Kuya Boy talagang masama ang loob nito dahil tumawag daw sa kanya ang Nanay niya sa Samar para itanong kung meron ba itong ginawang masama kay Vicki. Wala naman daw siyang maisagot dahil talagang wala raw siyang ginawa o sinabing ‘di maganda laban kay Vicki.

Nakausap ko rin naman si Vicki, may paliwanag siya sa akin na naintindihan ko naman. Kaya lang lumala na ito at marami na ang nag-react kaya minabuti ni Vicki na manahimik na lang muna.

Umalis naman siya pa-Amerika noong Huwebes at medyo matatagalan daw siya roon dahil sa mga speaking engagement na natanguan niya kaya wala na siyang maririnig na mga panlalait laban sa kanya at siguro matatapos na rin ito.

Kahit naman si Kuya Boy, ayaw din niyang palakihin ito, Nagsalita lang siya dahil nasaktan talaga siya.

Nailabas na rin niya ang naramdaman niyang sama ng loob, tama na raw iyun at lilipas din daw iyon.

Siguro ‘pag humupa na ang gulong ito, magsasalita na rin si Vicki at sana maintindihan naman daw siya.

Basta ang gusto ko lang naman mangyari diyan, magkaayos na sila dahil okay na sana sila eh! Sana mabalik ang dating magandang samahan nila bilang magkaibigan. Hay naku!

* * * *

Sa Martes (March 3) ay kaarawan ni Rudy Fernandez at nakalulungkot naman dahil hindi na natin siya makakasama.

Siyempre, malungkot ito kay Lorna Tolentino dahil hanggang ngayon nga, hindi pa rin niya naaayos ang mga gamit ni Daboy. Sabi ni LT, magpapamisa raw sila sa Heritage Memorial Park kasama ang mga anak, malalapit na kamag-anak at kaibigan.

May konting salu-salo pero mas gusto ni LT na intimate lang ito sa kanila at hindi ganun kalaking selebrasyon.

Inaayos pa rin nito ang mosuleo ni Daboy sa Heritage at medyo matatagalan pa siguro dahil marami pa raw kulang na kailangang ayusin.

Hindi pa naman nagsisimula si LT ng soap niya sa ABS CBN 2 kaya may time pa siya para asikasuhin ito.

Kapag okay na raw itong mosuleo, gusto na rin sana ni LT na magpatayo ng bahay na hindi naman ganun kalaki dahil tatlo lang naman sila nina Raphael at Renz.
Kapag may bagong bahay na raw sila, balak niyang paupahan ang dating bahay nila at siguro, doon pa lang daw niya maaayos ang mga gamit ni Daboy. Palagay ko, kaya na niyang galawin iyun dahil hanggang ngayon kasi, hindi pa rin daw niya kayang ayusin ito.
Minsan nga may kinukuha siyang gamit, at nagagalaw niya ang ibang gamit ni Daboy, nalulungkot na naman siya.

Hindi ganun kadali na makapag-move on si LT sa pagkamatay ni Daboy kaya mahirap pa rin itong pinagdaraanan niya.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.