Vicki Belo, ‘di natiis si Hayden Kho!

MUKHANG HINDI TALAGA kayang panindigan ni Dra. Vicki Belo ang kanyang binitiwang salita sa isang talk show na hindi sila magkikita ni Hayden Kho sa loob ng halos limang buwan.

May nakakita kasi na magkasama ang dalawa sa Encore Bar, dating Embassy na pag-aari ni Tim Yap. That was two weeks ago. Enjoy na enjoy nga raw ang dalawa sa kanilang pag-gimik. At pinagtitinginan daw sila ng mga tao kasi ang alam siguro nila ay hiwalay na talaga ang dalawa.

Ang sabi ng aming source, may mga guests sa Encore ang nagpa-picture pa kasaman si Hayden. Guwapong-guwapo raw kasi ang ex-doctor noong gabing iyon.

A few weeks back, sinabi ni Belo na nagkasundo sila ni Hayden na ‘di magkikita at ‘di magkakaroon ng communication.

“No texting, no calling, no seeing, zero anything,” sabi ni Belo sa Startalk.

“We will meet other people, we will date other people, we will talk to other people, but we will not say boyfriend ko na ‘to or girlfriend na niya ‘to until May 20 para naman may respeto sa isa’t-isa,” dagdag pa niya.

Pero, mukhang hindi talaga matitiis ni Belo si Hayden. Kunsabagay, dapat pa bang paniwalaan si Belo na hindi na siya makikipagkita kay Hayden gayong ilang beses na rin naman niya itong sinabi pero hindi naman niya ginagawa?

Ang nagagawa nga naman ng pag-ibig!

MARAMI ANG MEDYO na-shock sa bagong image ngayon ni Jolina Magdangal.

May pagka-hip kasi ngayon ang imahe ng singer-actress. Ito raw ang bagong bihis sa kanya ng kanyang bagong manager na si Perry Lansingan.

Hindi namin napanood si Jolens sa guesting niya sa TV, pero may nagsabi sa amin na hindi raw bagay sa edad ng dalaga na magkaroon ng ganoong personality. Parang Lady Gaga daw kasi ngayon ang dating ni Jolens.

Ang sabi sa amin ng aming friend na si Ellen Meneses, sana ay hindi na binago ni Jolens ang kanyang image. Obvious na obvious naman daw kasi na mayroon siyang ginagaya at hindi original ang kanyang konsepto.

Anyway, iyon ang packaging ni Perry kay Jolens ngayon. Siya ang higit na nakaaalam kung ano ang mabuti para sa kanyang bagong alaga.

KALOKA ITONG SI Melissa Ricks. Parang hindi niya feel na aminin na sila na nga ngayon ni Jake Cuenca.

Although inamin ni Melissa na minsan ay nagkasama sila ni Jake sa simbahan at sa isang mall sa Alabang ay hindi naman niya tuwirang inaamin na magdyowa na nga sila ng aktor.

Ang tsika kasi, hindi feel ng madir ni Melissa si Jake. Ewan kung ano ang inaayawan ng madiraka ng aktres kay Jake, basta, hindi niya ito feel para sa kanyang dyunakis.

Ito raw ang dahilan kung bakit hindi maamin-amin ni Melissa ang kanyang tunay na relasyon sa aktor. At ito rin daw ang rason kung bakit kinailangan pa nilang mag-date sa malayong lugar para hindi sila masundan ng kanyang mother dear. Kaya raw sa Alabang pa raw nila naisipang mag-date.

Isa pa, siyempre, may love team siyang pinangangalagaan, ang tambalan nila ni Matt Evans.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

One thought on “Vicki Belo, ‘di natiis si Hayden Kho!

Leave a Reply

Your email address will not be published.