Vicki Belo, bading ang ipinalit kay Hayden Kho?!

NAPAGTITIISAN AT napagpapasensiyahan naman ng maraming manunulat sa buong showbiz ang pagiging mataray at katak-lesahan ni Tita Annabelle Rama, dahil kahit ganu’n naman siya, mayroon talaga siyang itinatagong malambot na puso. Ang pamba-lanse lang talaga ay napakababait nina Tito Eddie Gutierrez, ganu’n din ang mga anak nilang sina Ruffa, Raymond at Richard Gutierrez na kinagigiliwan sa showbiz, kaya talagang kasasabikan mo rin ang kanilang pamilya.

Kaya nga, maraming manunulat ang nalungkot nitong huli, dahil ilang kasamahan sa press ang idinedemanda ni Annabelle.

Kahit pa sabihing mababait sina Tito Eddie, Ruffa, Raymond at Richard ay madadamay na sila sa napipintong paggawa nila ng distansiya kay Tita Annabelle. Kasi nga, nagkakaroon na siya ng image, na kapag mayroong mga nakakaaway ay madadamay ka rin sa kanyang galit.

Lumulutang ngayon sa buong showbiz ang usap-usapan, na kumikilos na nang palihim ang mga dating nasagasaan ni Tita Annabelle, para siya ay gantihan. Okey lang naman daw na maging prangka at mataray kung nasa tamang lugar.  Kapansin-pansin daw na ang Mommy ni Ruffa ay nag-iipon ng mara-ming kaaway.

Ang dami nilang kinakalkal ngayon tungkol kay Tita Annabelle. Nariyan na nga ‘yung kuwentuhan na milyun-milyon daw umano ang utang ng wife ni Tito Eddie kay Governor Luis Chavit Singson. Pero ang depensa naman ng mga nagmamalasakit sa Mommy ni Ruffa ay matagal na raw magkaki-lala at magkaibigan sina Mr. Singson at Rama, kaya wala rin namang masama kung sa pagkakaibigan nila ay nagkakaroon ng utangan.

 

NOONG SUNDAY, nasa studio kami ng The Buzz sa ABS-CBN, at nu’ng dumating kami ay tiyempong iniinterbyu si Al Galang, ang lalaking nali-link ngayon kay Dra. Vicki Belo na isang Yoga Instructor. Umugong siyempre ang usap-usapan sa loob ng studio, na kahit guwapo at maganda ang katawan ni Al ay ‘di hamak namang mas guwapo pa rin daw si Hayden Kho na kontrobersiyal ngang nakahiwalayan ni Belo.

Mabagal sumagot sa mga tanong si Al, kaya mahabang oras din ang kanyang nasayang sa guesting niyang iyon sa programa nina Kuya Boy Abunda, Charlene Gonzales at Toni Gonzaga. Sa dulo ng interbyu sa kanya, sumesenyas na ang staff ng programa, na magko-commercial break na raw, dahil puputulin na sila sa ere. Yoga instructor din pala si Mr. Galang ng magkapatid na Toni at Alex Gonzaga, kaya kumportable si Galang na magpainterbyu, kahit hindi naman bomba ang tunog ng kanyang pasabog para ma-tuldukan ang isyu nila ni Dra. Belo.

May lamya sa mga kilos ni Al, kaya du’n na rin nagsimula ang intriga na ang bagong lalaking napapaugnay kay Dra. Vicki ay bading daw. Kaya nang matapos ang The Buzz ay si Toni ang inurirat ng press tungkol sa gender ng nasabing Yoga instructor. “Hindi po siya bading. Fighter nga siya, eh. Hindi po totoo ang intriga sa kanya,” pagtatanggol ni Toni.

 

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

4 thoughts on “Vicki Belo, bading ang ipinalit kay Hayden Kho?!

  1. hoy brruhang krissy hindi bading si al! ikaw ang bading na kabayo! Madam Al naiwan mo na naman ang foundation , lip stick at red stilleto mo! – yaya lukring

  2. sayang kung magiging bading si al galang, napakyummy nya!!! hahahaha. mas mukhang bading at talagang bading si hayden maniac. sa lahat ba naman ng eskandalong kinaharap nya at ang pinagsasabi nyang may ibang lalake si belo and then binawi, just like his friend mo twisted, diba kabadingan ang tawag dun? nilalaglag ang ex? ungentleman at maniac hayden! hahahaha. 

Leave a Reply

Your email address will not be published.