Parazzi Chikka: Vicki Belo at Hayden Kho, tinatago ang relasyon!

Nananahimik ngayon ang mga kampo nina Katrina Halili, Vicki Belo at Hayden Kho. Habang on-going ang mga kasong isinampa ni Katrina, mas mabuti na nga talagang manahimik na lang ang lahat hangggang maresolba ang issue. Well, dahil sa pananahimik nila, kating-kati na nga ang ating mga miron para sumagap nang chika tungkol sa buhay nina Vicki at Hayden.

Ayon nga sa isang miron, naispatan ang dalawang doctor na nagde-date sa Powerplant Mall noong August 16, 2009. Nanood raw sila ng The Hangover at 10:20 P.M. Mukhang palihim pa ang date sa sinehan ng dalawa dahil nauna pa raw pumasok si Hayden Kho, saka naman biglang pasok si Vicki Belo matapos ang ilang minuto. Katabi pa nga raw nitong miron si Hayden at na-witness niyang naglalampungan to the max ang dalawa, huh!

Balewala na ba kay Vicki ang ginawang pagtataksil at pagbi-video-tape ni Hayden Kho sa pakikipagtalik nito sa iba ibang babae? Naku, kung totoo man, love conquers all talaga. Ha-ha-ha!

Parazzi Chikka
by Faith Salazar

Click to enlarge.

Related Post

loading...

One thought on “Parazzi Chikka: Vicki Belo at Hayden Kho, tinatago ang relasyon!

Leave a Reply

Your email address will not be published.