Parazzi Chikka: Vicki Belo at Hayden Kho, sa Teatrino naispatan

HINDI NAKAPAGTAGO SA ating kamerang-gala ang controversial couple na sina Dra. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho nang mamataan namin ito sa show ni Jorge javier sa Teatrino sa Greenhills, nito lang August 13. Hindi raw masyadong matao sa naturang show dahil may bumili niyon, sponsored for a special school.

Late na raw dumating sina Vicki at Hayden, pero magkasama sila. Ayon pa sa ating chikkadora, mukhang ‘nagde-date’ pa rin ang dalawa, kasi nga, super-mini ang outfit ng doktora na very low cut sa likod. At ang Hayden nga, super-bango. Alam daw ‘yun ng aming chikkadora dahil nu’ng matapos ang show at maglabasan na sila, nasa likod lang siya nina Vicki at Hayden, at pinipiktyuran pa siya ng isa sa kanyang kasama with Hayden.

Ang nakakaloka, sports daw ang dalawa, dahil while on stand-up si Jorge, ang dalawang doktor ang subject of jokes ng komedyante. At okay nga lang iyon sa dalawa. Tuwang-tuwa nga raw si Dra. Belo, at tawa nang tawa.

Two-years nga lang ang suspension ng Philippine Medical Association kay Hayden kaugnay ng video scandal na pinagpistahan sa loob at labas ng showbiz, hanggang sa Senado. Mistula ngang naabsuwelto si Hayden sa isyu. Ang tanong nga ng ating mga kaparazzi, ito ba ang dahilan kung bakit balik-ligaya ang magsing-irog na ito, at lantaran na nga nilang ipinakikita sa publiko ang kanilang ‘take 2’ romance?

PARAZZI WIRES PHOTOS

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

loading...

2 thoughts on “Parazzi Chikka: Vicki Belo at Hayden Kho, sa Teatrino naispatan

  1. loves is blind talaga kaya we have to respect their own feelings and decision nalang.pag-ibig talaga talagang ganyan. good luck nalang and god bless to your second chance relationship.to hyden naman pangalagaan muna ang pag-ibig ni viki na binigay sayo for the second chance. to viki naman di kita masisisi kc nagmamahal ka ng lubusan kaya i respect your both feelings but do not devote a 100%. magtira ka din ng para sa sarili i know what i mean para dika din magsisi sa huli. your loving fun,chery in japan

  2. nakakahiya ka vicki beloy e parang wala ng lalaki sa mundo niloko kana ni hayden maniak ng harapan e pinagyayabang mopa vicki kakahiya ka matandang kulobot pweh

Leave a Reply

Your email address will not be published.