Vicki Belo at Hayden Kho, nakasusuka ang lambing – Cristy Fermin

TAWA KAMI NANG tawa sa mga kuwento ng aming mga kaibigan. Isang gabi kasi ay nakasabay nilang kumain sa isang kilalang restaurant ang isang kilalang magkarelasyon.

Habang kumakain sila ay umaagaw ang kanilang atensiyon ang paglalambingan ng magkapareha, may mga pagkakataong nagsusubuan sila, nandu’n ang pagtatangka ng paghahalikan sana pero naiisip din siguro nila na maraming tao sa paligid kaya hindi nila ‘yun itinutuloy.

Ang isang manang-manang sa grupo ay inis na inis na, katwiran nito, sa kabila ng pagsulong ng teknolohiya at pagiging liberal ng maraming kabataan ay buhay na buhay pa rin ang sagradong kultura ng mga Pilipino tungkol sa usapin ng pakikipagrelasyon.

Ang sabi nito, “Kung ganyan na sila in public, paano pa kung silang dalawa na lang ang magkasama?”

Pero sige-sige pa rin sa paglalantad ng kanilang paglalambingan ang dalawa, para silang mga teenager sa ramdam na ramdam sa paligid na pagkakilig nila, ayon sa aming mga kaibigan ay may ilang nakakakita sa dalawa ng nagtataas ng kilay at parang naaalibadbaran sa kanilang mga ginagawa.

Ang tinutukoy nilang magkarelasyon ay hindi mga artista, pero parang mga artista na rin ang dating, dahil sa pinagpipistahan nilang relasyon na napakakontrobersiyal.

Hindi magka-loveteam sa pelikula ang dalawa, hindi na rin sila mga bagets, kaya siguro parang naaasiwa ang mga kumakain sa naturang restaurant kung bakit sila ganu’n kumilos at maglambingan.

Ang tinutukoy na pareha ng aming mga kaibigan ay sina Dr. Hayden Kho at Dra. Vicki Belo.

Sundot pa ng aming kausap, “Sana, magpa-set na lang sila ng dinner table sa isang lugar na silang dalawa lang ang nandu’n. Puwedeng sa bahay o sa opisina na lang ni Dra. Belo.

“Nakakaasiwa kasi silang tingnan, parang kailan lang, e, nag-aaway pa sila kunwari, nagrereklamo pa si Dra. Belo na pati ang private video nila, e, inilabas din ni Dr. Hayden, ‘yun pala, kalokohan lang naman ‘yun!” naiinis na sabi ng aming source.

HANDANG-HANDA NA ang Zirkoh Comedy Bar sa Tomas Morato. Magkasosyo sa bagong Zirkoh sina Allan K at Lito Alejandria, sila lang at wala si Ai-Ai delas Alas tulad sa iba pa nilang bar, ang kinatatayuan nito ay ang dating Whistle Stop na paboritong tambayan ng mga artista.

Kailangang magtrabaho nang double time ang kanilang mga tauhan, bibinyagan ni Piolo Pascual ang venue sa darating na Sabado, September 26, sa kanyang solo concert.

Aminado ang Backstagepass Productions na mahirap makasingit sa napakahigpit na schedule ng guwapong aktor, kasagsagan ng taping nila ngayon ni KC Concepcion para sa Lovers In Paris, pero maraming salamat kina Direk Johnny Manahan at Ms. Mariole Alberto ng Star Magic sa mabilis na pagtugon.

Basta si Piolo Pascual ang bida sa concert ay walang kahirap-hirap ang bentahan ng tickets, nakatutuwa rin na hindi lang dalawahan ang pagbili ng ticket ng kanyang mga tagahanga, kundi grupuhan.

Ito na nga naman kasi ang pagkakataon para mapanood nila nang malapitan si Piolo, ‘yung parang abot na abot lang nila, bibihira lang mangyari ang ganito.

Sa nakaraang concert ni Piolo na ang Backstagepass Productions din ang nagprodyus ay halos wala nang lugar para pumalakpak ang kanyang mga tagahanga dahil sa pagsisiksikan, kaya sa halip na pumalakpak, puro tili na lang ang maririnig mo sa paligid.

Bago umakyat sa entablado si Piolo Pascual kasama ang 7th Soul Band ay makikipag-jamming muna sina Janelle Jamer at Janna Dominguez, marami namang humuhula na darating si KC Concepcion, sigurado raw na susuportahan ng magandang dalaga ang show ng kanyang kapareha sa Lover In Paris.

Cristy Per Minute
by Cristy Fermin

loading...

15 thoughts on “Vicki Belo at Hayden Kho, nakasusuka ang lambing – Cristy Fermin

  1. Laylay laylay na ang mga balat ni Vicky Belo sa braso! Halatang 65 anyos na siya. Yung mukha lang ang nalalagyan ng formalin kaya di na natitinag na. Mukhang bato bato na. Kahit hanginin siguro ng tornado, hindi na gagalaw iyan.

  2. malandi na gurang yang si vicky. daig pa si madam auring.

    babagsak yang belo clinic na yan. iboykot nyo na yan. or go at your own risk.

  3. The Philippines is a free country. Anuman ang gawin ni Hayden at Belo, wala kang pakialam. Leave them alone dahil di naman sila artista. Hindi naman nila sinasabi na nakakasuka ang pagmumukha mo na sing-pangit at sing-itim ng kaluluwa mo.
    Ang totoo, nakamamatay ang inggit mo kay Belo kasi bukod sa lumaki siyang mayaman, mas yumaman ulit sa pag-tratrabaho ng marangal. Ikaw Fermin, for sale ang panulat mo, kahit mali basta may bayad ipinagtatanggol mo. Isa pa, inggit ka kay Belo dahil sa kanyang angking galing at talino, naging mabunga ang kanyang propesyon at lumago ang kayamanan niya na kahit kailan ay hindi mo makukuha dahil hanggang diyan ka na lang. bayaran at mapanira.
    Kung may pera ka bumili ka rin ng katulad o kamukha ni Hayden, kaya lang sa tingin ko kahit magbayad ka ng lalake walang papatol sa iyo. pangit sa loob, pangit sa labas.

  4. HAY NAKU CRISTY FERMIN… pareho lang kayo ni VICKI BELO! NAKAKASUKA! Tsaka kung magmalinis ka akala mo kung sino… eh di ba … noon nabalitang nilalasing mo si JAY MANALO tapos pinagsasamantalahan mo!
    Exploiter ka! Alam mong pera si JAY kaya sinamantala mong pangit ka! CHAKA KA!

    • Grabe. Totoo ba iyang ke jay Manalo?

      Kadiri naman. Kasuka suka iyan. Siguro nang mahimasmasan si Jay Manalo ay hindi na umalis sa banyo at nagbabad , naligo ng isang taon iyan…walang alisan sa banyo. At isinumpa niya ang pag iinom!!!

  5. Hay naku, Jobert! Iilan lang kayong malapit sa puso ko. Pero yáng mga walang pinag–aralang mga baklang yán… hindi ko talaga pinapansin! Lab you nák! :wink: :D

  6. Anofi?! Nangyayari rin sa akin yán! Walang tigil sa kababasa ng mga articles ko, pero dahil walang matinong matrabaho ay kung anu–anong kanegahan ang pinagsasasabi! Hindi ko naman sila pineperhwísyo! Íka ko ba, kung walang matrabaho’y magkamot na lang ng ari nila! :mrgreen: :mrgreen:

  7. Write lang nang write, Náy Cristy! Hwág mong intindihin ang mga basa–nang–basa ng collums mo’t pagkatapos ay magkokó–comment ng mga salitang sińdudumi ng tumbong nila! :lol: :twisted:

  8. eh ikaw nga cristy iba iba ang tatay ng mga anak mo bruha ka!

    ilan na ba lahat ang mga kaso mo na libel?

    bakit puro ka imbento ng Blind Item ha? takot ka ba na makasuhan ng panibagong libel? che!

  9. Tsaka pinoy parazzi tong kolumn. Baket walang piktyur man lang na nakuha source mo manay Cristy.. Kwentong barbero na naman ba to? E di sana nagkumahog ng magpipindot mga yun sa celfon na pwedeng mailathala dito. Hellow.

    K

Leave a Reply

Your email address will not be published.