Vicki Belo at Hayden Kho, nagkabalikan na naman?

NAIINTRIGA KAMI sa Twitter at Instagram posts ni Dra. Vicki Belo, ha? Kasi naman, parang may ‘something’ na namumuo ulit between her and Hayden. Kasi naman, feeling namin, away-bati ang drama nila pero parang in the end ‘ata, si-lang dalawa talaga ang para sa isa’t isa. Teenagers ang peg, hahaha!

Sa post ni Dra. Vicki last February 3, 6:38 pm, nakalagay ang ganitong mensahe, “Here with the men in my life. Missing the most important one @quarklovesyou. @atomhenares Edward Mendez @haydenjr.

With matching pic pa ito with ex-husbandry Atom Henares, Belo Clinic endorser Edward Mendez at ex-boyfriend na si Hayden Kho.

Ganito naman ang post ni Dra. Vicki sa kanyang Instagram, “Love is in the air and its not even Valentine’s day yet! My fantasy cone (come) true.

Kasama rin sa post na ito ang Instagram photo kung saan kasama niya si Hayden na may dalang malalaki at mga makukulay na balloons.

May mga followers si Dr. Vicki na nagtatanong kung sila na ba ulit pero hindi niya ito sinagot.

 

TAMA LANG ‘yung napanood na-ming interview kay Ethel Booba na nangako itong hindi na ulit magloka-lokahan dahil ang kanyang pagkasali sa Wowowillie bilang co-host ay isang magandang oportunidad upang patunayang talented talaga siya. Pang-ilang chance na ito, kaya sana sulitin niya ang binigay na pagkakataon ni Willie Revillame sa kanya na mapasama sa show nito.

Natatandaan namin na noong launching ay ang pagpapakilala sa kanya ni Willie ay, “Ito na, ililibing na lang, hinukay pa namin…” which seems to me pa-joke pero parang may patama, hahaha!

Pahayag ni Ethel sa Ang Latest, “Masalimuot, mahirap, noong mga time na nawala ako sa showbiz. Na-realize ko na lang na hindi pala lovelife ‘yung nakapagpasaya sa akin.”

Ano naman kaya ang mga natutunan niya sa buhay lalo na sa pag-ibig? Pagpapatotoo niya, “Mahirap makatagpo ng love ‘pag naroon ka, ‘pag nasa tuktok ka, maraming dumidikit talaga sa ‘yo, magamit ka, ‘yung mga naging past ko noong nandoon ako, hindi talaga siya love.

“Noong magka-baby ako, tapos hindi natuloy, seven months siya, hindi siya nabuhay. ‘Yung ama ng baby na ‘yun, magulo, eh.”

Ang ama ng i-pinagbuntis noon ni Ethel ay si Marius Miria, isang Romanian national. Ito ang kanyang kasama noon sa condo na diumano ay muntik na niyang sunugin after nilang magkaroon ng matinding pagtatalo.

Ngayon daw ipinapangako ni Ethel na hindi na siya ang da-

ting Ethel na naging ‘pasaway’. Sabi niya, “Tumatanda na rin ako, nag-iiba na rin pala, at tsaka nag-iiba talaga ‘pag wala kang bisyo, lumilinaw ‘yung utak mo.

“Sa mga detractors, hindi naman siguro ako bibigyan ulit ng chance kung walang pagbabago na nakikita sa akin. Dumaan na ako sa matin-ding pagsubok.”

 

SUMABAK AGAD sa taping ng upcoming TV5 drama-seryeng Never Say Goodbye ang Superstar na si Nora Aunor matapos nitong ma-ospital nang ilang araw dahil sa taas ng presyon. Dapat nag-pilot episode na ang show last January 28 kaso iniurong ito ng TV5 management dahil nagkasakit ang Superstar at baka mabitin ang mga episode ng show.

Sa February 11 na magsisimula ang airing ng Never Say Goodbye after Kidlat.

Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

4 thoughts on “Vicki Belo at Hayden Kho, nagkabalikan na naman?

  1. hindi malimutan ni belo ang masarap at makatas na tarugs ni hayden kaya ayaw na niya itong bitawan at hinahanap-hanap na niya haha

  2. Yummy,,kasi ni hayden kho,,,,at guapo pa,,tsaka wala ng kasing yummy niya at kasing guapo niya ang magsasacrifice para pumatol aa isang vicki belo,,,kaya stay na siya kay hayden

Leave a Reply

Your email address will not be published.