Vicki Belo and Hayden Kho, spotted doing PDA

NAKABALIK NA PALA mula sa kanyang seminars and conferences sa Amerika ang kontrobersyal na beauty doctor na si Dra. Vicki Belo.

Matatandaang umalis ang doktora noon mula nang ma-lift ang travel ban sa kanya at sa ilan pang sangkot sa sex scandal video nila Hayden Kho.

At ngayon nga, nakabalik na ulit sa ‘Pinas si Dra Belo dahil ilang beses na namin siyang nakita sa ilang mga malalaking events. Nakita namin siya concert ni Gary V at Martin Nievera sa Mall of Asia at nasa Wowowee rin siya noong Lunes para sa pagbabalik ni Willie Revillame sa programa.

Pero mas nagulat kami sa iba pang pagbabalikang naganap. Noong Sabado, bago pa man magpunta si Dra. Belo sa concert nila Gary at Martin ay naispatan muna siya sa Rockwell Powerplant Mall, at hulaan niyo kung sino ang kasama niya? Yes! Tama ang hula n’yo, si Hayden Kho ang kasama ni Dra. Belo sa naturang mall.

Ayon sa dalawang source namin na nandoon din sa Rockwell noong mga oras na ‘yun, magkasama sina Dra. Belo at Hayden na namamasyal. Kuwento sa amin ng unang source, “Sweet sila at magka-holding hands.”

Pinalarawan namin sa aming source ang suot ng dalawa at oras ng pangyayari. Alas-singko y media nang makita ng aming source ang dalawa na dumaan sa tapat ng isang shop. Naka-brown long sleeves si Hayden at si Dra. Belo naman ay naka-shorts tapos naka-pink and white na pang-itaas. Marami raw nakasunod sa dalawa kaya hindi na nagkaroon ng pagkakataon ang aking source na makunan sila ng litrato for proof.

Isa ko pang source na nagtatrabaho mismo sa isang beauty shop doon sa Rockwell ang nakakita sa dalawa. Sweet din ang pagkakalarawan ng ikalawa naming source sa body language ng dalawa. Marami raw ang nakatitig sa kanila dahil hindi raw nila inaakalang magkakabalikan ang dalawa matapos ang mainit na kontrobersiyang kinasangkutan ni Hayden.

Naku, ha?! Hindi ko ito natanong kay Dra. Belo! Nagkita pa naman kami sa concert noong Sabado, pero hindi ko ito nakumpirma sa kanya! Ano sa tingin n’yo?

Zanjoe Marudo, confident na sa press

IN FAIRNESS TALAGA kay Zanjoe Marudo, iba na ang confidence level niya sa pagharap sa press people. Dati, mahiyain at matipid siyang sumagot sa mga tanong, pero ngayon mas confident at mas malakas na ang kanyang loob sa pagharap sa mga intriga sa kanya at sa kanyang girlfriend na si Mariel Rodriguez.

Ilang beses na rin kasing napapabalita na naghiwalay na raw ang dalawa at mismong si Zanjoe ay nagtataka kung saan nanggagaling ang mga bali-balitang iyon.

Ayon sa kanya, hindi naman daw maiiwasan ang mga tampuhan at maliliit na awayan pero hindi naman daw sila naghihiwalay. Sa dami ng proyekto ngayon ni Zanjoe, minsan daw ay schedule ang kalaban nila ni Mariel. Minsan, hindi na raw talaga sila nagkikita at sa telepono na lang nag-uusap.

Pinabulaanan din niya ang kumakalat na intrigang nagli-live-in na sila. Hindi rin daw totoong si Zanjoe ang nag-ayos sa condo unit ni Mariel. Tumulong lang daw siya sa isang partikular na furniture piece na gusto ni Mariel. Pina-ship pa raw nila ito mula sa ibang bansa. Pero hindi raw totoong sa condo unit na ni Mariel siya nakatira.

loading...

4 thoughts on “Vicki Belo and Hayden Kho, spotted doing PDA

  1. ewan kung bakit sumikat o sikat na nga ba si zanjoe kasi saan mang angle tingnan di artistahin, mukhang extra o kaya stuntman. sa lovers in paris wala silang chemisry ni KC o Piolo. kasi sa mukha pa lang parang di pwedeng itapat kay piolo sa istorya. kaya nga di nag-rate ang wedding ni anne curtis, sukat bang itapat sa character ni derek. walang match si zanjoe sa mga kagaya ni piolo, john lloyd, derek, diet, jericho,atbp. malakas lang ito sa abs-cbn. ewan kung sino ang kinakapitan niya.

  2. MAG LIVE IN MAN SILA O HINDI SIGURO NAMAN ALAM NA NILA ANG KANILANG GINAGAWA MATATANDA NA ANG MGA ETO UNLESS ZANJOE WHO LOOKS LIKE ANOTHER BONDYING.AT SAKA B4 PA ETO NAGING MAG LOVERS IF TOTOO MAN DATI NANG NAGSE-SEX YANG MGA YAN!

  3. in love ba talaga si zanjoe kay plastik mariel? or baka si mariel lang ang patay at dikit ng dikit kay zanjoe? ano sey mo bianca?

Leave a Reply

Your email address will not be published.