Vice-Mayor Herbert Bautista, ayaw nang maging tuta! – Alex Brosas

MUNTIK NANG MA-DELAY ang suweldo ng staff at ng mga opisina ng mga konsehal sa Quezon City Hall, dahil diumano’y nagwala si Vice-Mayor Herbert “Bistek” Bautista.

Ayon sa aming source, nagpapa-produce daw kasi sa staff niya si Bistek ng P2 million in 30 minutes. Pero anong magic naman daw ang gagawin ng staff, eh, tiyak lang naman na makukuwestiyon ng treasury ang asking ni Bistek.

Ang ginawa raw ni Bistek, sa sobrang galit, nakapag-dialogue daw ito sa staff sa office nu’ng Thursday (Oct. 15) ng “P—– i—n’yo! Eh, kung hindi ko kaya kayo pasuwelduhin para magutom ang pamilya n’yo?!” Naloka ang staff.

Ayon sa isa sa mga staff na nagparating sa amin ng balitang ito, noon lang daw nila naringgan ng ganu’n katinding salita ang amo nila.

Para raw bang hindi nila pinagtrabahuhan ang dini-delay ni Vice na suweldo nila. Dalawang staff pa nga raw ang nag-iiyak. Sobrang na-hurt daw sa mga pagmumura ni Bistek sa opis.

“Kahit ‘yung mga documents na pipirmahan at iba pang papeles sa ibabaw ng table, pinaghahagis ni Vice habang nagmumura. Sinipa pa ‘yung chair niya,” sabi pa ng aming source.

Tanong nga raw nila, “Ano’ng pagkakagastusan ng two million (pesos)? Ba’t kailangang i-produce agad?”

‘Eto pa ang nakakalokang sinabi ng staff. Naglitanya pa raw si Bistek ng, “Ayoko nang maging tuta!”

Nagtataka naman daw ang mga staff sa bulalas na iyon ni Bistek. “Tuta ba si Vice Bistek? Kanino naman siya naging tuta?” Medyo naguguluhang tanong pa sa amin ng aming source.

Anyway, alas-sais na ng gabi ng a-kinse nang nakuha ang mga suweldo ng staff niya at ng mga opisina ng mga konsehal.

INOPERAHAN PALA SA cyst sa kanyang breast si Carmen Soo, ang Malaysian actress na kasama ni Jericho Rosales sa Kahit Isang Saglit na nominated sa Emmy Awards.

Ini-reveal ni Carmen ang pagkakaroon niya ng cyst sa presscon ng bago niyang endorsement, ang Clinelle Profesional Care.

“I had the cyst for about ten years. It was small and the doctor said I have to cut it ever year which I did. I go every year to my doctor to have myself checked,” esplika ni Carmen. “But I missed taking the test last year. I was busy, I was here ( Philippines ). This year, the cyst doubled in size. It’s benign but it has gotten big.”

Worried nga ang Malaysian actress dahil sa cyst niya. Never pa kasi siyang naoperahan. “I haven’t even had a tooth pulled. I haven’t stayed in a hospital. I’ve never gone through any anesthesia. I’ve never been operated on,” pag-amin niya.

Excited si Carmen sa nomination ng soap nila ni Echo sa Emmys. Gusto nga niyang um-attend kasama si Echo.  “But he has a problem in his schedule because he has a taping for his soap.”

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

2 thoughts on “Vice-Mayor Herbert Bautista, ayaw nang maging tuta! – Alex Brosas

  1. mr. writer, kindly check your source…. hindi kasi ito pwedeng mangyari in the government kahit pa presidente ang amo mo…. sometimes we need to be responsible sa mga sinusulat natin if authentic and realistic ba yong info… i am working in the government so i surely know na hindi pwedeng magdikta kahit pa ano ang posisyon mo in the releasing of salary…wala po tayo sa sakahan or sa hacienda na nag vice mayor pa ang nagpapasweldo….wag sana tayong ignorante!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.